Claire's POVPaikot-ikot ako sa kwarto. Hindi ko alam yung gagawin. Mahiyain ako! Wala akong alam sa ganun!
CONTEMPORARY DANCE?! MY GOODNESS! ANG HIRAP SUMAYAW NG GANUN! Huhuhu Mommy.
'Dahil late kayo,kayo ang magiging representative ng Blue Hearts Academy sa Contemporary Dance Competition na gaganapin sa January 26 sa KathNiel Auditorium.'
Whaaaaah! August na ngayon! Paano to! Eh ang tigas ng katawan ko eh.
"Claire?" Hala si Mama tumungo agad ako sa pinto para pagbuksan si Mama.
"Yes po?" Sabi ko pagkabukas ng pinto.
"Bumaba ka na. Akala ko tulog ka na eh. Kain na sa baba ha?" Sabi ni Mama kaya tumango ako. Bahala na bukas.
Sumabay na ako kay Mama ng baba at kumain na.
Drake's POV
Nagbabasa ako ng libro pero wala akong maintindihan. Kanina gusto kong matulog pero di naman ako mapalagay. Ah shit! Ano ba namang kamalasan 'to?!
'Dahil late kayo,kayo ang magiging representative ng Blue Hearts Academy sa Contemporary Dance Competition na gaganapin sa January 26 sa KathNiel Auditorium.'
Anak ng tupa naman--
'Drake,dahil scholar ka,kapag natalo kayo pwedeng mawala ang scholarship mo.'
Fuck! Bakit ba kasi late ako eh! Kainis! Wala pa naman akong talent sa sayawan.
Pati pag-aaral ko maa-apektuhan tuloy! Kahit maykaya kami, mas gusto kong maging ganito, yung maging independent. Ayokong umasa kay Mama tsaka gusto ko talagang palaging nasa honor roll.
Pero mukhang hindi na lang pag-aaral ang iintindihin ko... Bwisit na yan.
Next Day...
"So guys be ready. Mamayang uwian may meeting kayo with your trainer. Bawal ng umatras dahil nakalista na kayo."eto na nga ba sinasabi ko ehh.
Kinakabahan talaga ako. Nahihiya pa ako kay Claire. Nakakailang lang kasi tignan na nerd yung partner nya. Eh sa ganda nyang yun parang walang chemistry pag pinagsama kami.
Natapos ang klase at pumunta kami sa Practice Room. Hinihintay na kami ng trainer namin.
"Good Afternoon po."bati namin ni Claire.
Lumingon yung baklang trainer namin.
"OH MY!!!"
***
Hala... Bakit kaya?Anyway,sabi ko sa inyo eh. Maiksi pero keribels lang! (*^▽^*)
Tiis lang wala pang twist...coming soon...
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...