Late

180 8 0
                                    

Note:

Ayun, guys. 2017 na! One year na rin 'to! Maraming nagbago, maraming nadagdag sa mga stories ko. From readerwriter10 to QueenSandok. From Mr Liar Meets Ms Pretender to Lie and Pretend. So para sa chapter one, papalitan ko na rin. I know some of you ay nakabasa na nito. So confusing no? Ang gulo! Ang balak ko sana is palitan ang mga pangalan nila pati ang plot but then, nagbago ang isip ko. Marami talagang gustong ituloy ko 'to. Susubukan ko, guys. Susubukan ko. Nawalan kasi ako ng gana nung binasa ko 'to. Ang corny kasi tapos basta! Pero di ko pa rin babaguhin yung mga chapters. Dudugtungan ko nalang. That's all guys! Sana magustuhan niyo!

***

Claire's POV

"Oo nga, ito na. Wait lang talaga, Nic. Wait lang!" saka ko ibinaba ang tawag.

Nakailang missed calls sa akin ang mga kaibigan ko. Kesyo nasaan na raw ba ako. Eh, wala naman akong magawa sa bagal ng usad ng mga sasakyan, eh!

"Manong, hindi po ba pwedeng sumingit ka nalang? Late na po ang mga anak ko, eh!"

"Oo nga po, Ma! Galit na po sa akin ang boss ko!"

Marami nang nagrereklamo. Sikat na sikat na ang araw. Late na ako. Wala pa yata sa kalahati ng daan patungong school ang nadadaanan namin.

Ilang minuto ang lumipas, hindi talaga sumusulong ang jeep na sinasakyan ko.

"Ma, dito nalang po!" sabi ko saka bumaba.

Nilabas ko ang payong ko saka binuksan ito. Naglakad ng mabilis kahit hinihingal na ako.

Nagring muli ang phone ko. Si Lizelle ang tumatawag kaya sinagot ko.

"Sorry talaga, Liz! Sorry! Naglalakad na ako! Traffic kasi talaga!"

[Nako, girl! Galit na galit na si Prof! Ang tatagal daw ng mga late! Dalawa nalang kayo! May parusa daw ang mahuhuli!

Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon