Claire's PoV
Ilang days na ba? Weeks? Na palaging masaya lang ako. Kahit patong patong yung mga ginagawa ko dahil graduation na next week, chill lang ako. Lalo na kapag kasama ko si Dj. Hahaha malakas na rin ang tama nun eh. Wala nga lang sa amin yun pretend-pretend na yan. Siguro nasanay nalang ata kami.
"Anak, si "asawa" nandyan na!!!" Eto ang di na nagbago, si Mama. Di na naka-moved on sa "asawa" kaya nasanay na din ako.
"Opo,bababa na," sinarado na agad ni Mama yung pinto kaya nagpatuloy nalang ako sa pag-aayos.
"Someday I'll be living in a Big Ol' City
And all you're ever gonna be is mean
Someday I'll be be enough so you can't hit me
And all you're ever gonna be so mean
Why you gotta be so mean...!Well you can hit me down
With just one single blow
But you don't know
What don't knowSomeday I'll be living in a Big Ol' City
And all you're ever gonna be is mean
Someday I'll be be enough so you can't hit me
And all you're ever gonna be so mean
Why you gotta be-Someday I'll be living in a Big Ol' City
And all you're ever gonna be is mean
Someday I'll be be enough so you can't hit me
And all you're ever gonna be so mean
Why you gotta be so mean...!"Na-LSS ako sa Mean ni Taylor Swift eh. Hahaha buti walang nabasag. Ewan ko nahahawa na ako sa kahyperan ni Mama eh.
"Magaling ka pala kumanta eh!"
"Ay Taylor! Ano ba? Bakit ka sumusulpot nalang bigla?!" Si Drake nasa dulo na pala ng kama ko."Kanina ka pa?" Tanong ko.
"Tingin mo? Ang tagal mong bumaba eh kaya pinaakyat na ako ni Mama," hala sya...
"Maka-Mama ah, feel na feel!" Natawa lang sya.
"Haha sabi nya eh, ano magagawa ko?" Whuushoooo! Gusto nya din naman.
"Tara na nga, saan ba tayo?" Hinila ko na yung kamay nya. Ini-Intertwined nya yung mga daliri namin kasi alam nyo na tapos sabay kaming bumaba ng hagdan.
"Sa MOA tayo," lakwatcherong to, alam ang MOA eh bihira lang kami dun kaya.
"Ma, alis na po kami," ooopps! Di ako yan, sya po. Feeling anak no?
"Bye! Ingatan ang prinsesa namin ah!" Adik si Mama nakatingin sa kamay namin imbes sa mukha namin, di nasanay?
"Syempre po! Reyna ko yata to!" Hinapit pa ako sa gilid nya, aray ha. Bago pa mag-salita si Mama ay nauna na ako at buti sinundan na ni Drake, baka kasi bumaba pa si Papa lagot na.
Habang naglalakad kami tahimik lang. Walang ilangan. Kahit pa crush ko sya, nasanay na ako.
"Ang kamay, wala na pong tao," sita ko, di pa kasi nya binibitawan kanina pa.
"Ay sorry," useless ang pagtanggal nya ng kamay dahil umakbay naman. Hayaan na nga.
"Sakay na," pinagbuksan nya ako ng pinto ng taxi, ayaw namin magdala ng sasakyan. Wala lang para enjoy.
Isa pa yan. Bukod sa ang hilig nyang dumikit ng dumikit sa akin, overprotective at gentleman yan sobra. Sana nag-share sa sa ibang guys diba? Pero seryoso, ganyan na sya ngayon.
Ngayon alam ko na din kung bakit Bal ang endearment namin. Ibig sabihin pala nun is Kambal . Kasi daw ang dami naming similarities kaya yun ang naisip nya. Cute naman.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...