Missing You

36 2 0
                                    

3rd Person's PoV


Higit dalawang linggo na mula nang matapos ang graduation nila. Tulad ng nasabi ni Claire ay hindi na nga nagkita sila ni Drake. Mabuti nalang at hindi nagtataka ang kani-kanilang pamilya sa mga ginagawa nila. Tulad noon kasi, wala pa ring nakakaalam ng kanilang pagpapanggap.


"Blah blah bal- este blah blah blah wala! Di ko sya namimiss, nasanay lang ako sa tabi nya! Ganun! Yun lang!"


Higit dalawang linggo na ring nababaliw si Claire. Pilit nya kasing itinatanggi ang pagkamiss kay Drake.


"Anak! Baba na, kakain na tayo!"


Tinatawag na pala si Claire ng mama nya kaya agad na syang bumaba.


"Kain na, anak." Tsaka sinandukan ni Min ng kanin ang plato ng anak.


"Nak? Asan na si Pareng Drake?" Nagalaw ng di oras ang kanin ni Claire sa pagkakadawit ng pangalan ni Drake sa tanong ng ama.


"Ah si Drake? Busy po yun eh, kahapon tumawag nga, sabi nya nag-aaply daw sya kaya di ko muna dindistorbo." Mahusay na pagsisinungaling ni Claire.


"Awww, si Krista Claire namimiss ang prince charming nya oh. Look Ted, nakikita mo ba ang pagkakamiss sa mga mata ng anak mo? Ang lakas talaga ng tama mo Claire kay Drake!" Puna pa ni Min.


"Kaya nga kapag nabalitaan kong niloko ka nya, kahit gwapo pa yung batang yun..." Sabay marahas na hiniwa ang steak "... Mapapatay ko yun." Kinilabutan naman si Claire sa sinabi ng ama.


"Teddy bear, wag mong takutin si Claire!"


"Isa pa Minerva, isa pang tawag, ikukulong kita ng yakap!" Napangiti si Claire sa ka-sweet-an ng tatay.


'Oo, ako rin naman, sige bye.'


Umiling-iling si Claire sa naalalang yakapan nila ni Drake.


"Claire? Naiisip mo na naman si Drake ano? Nakoooo ganyan din ako dati sa tatay mo eh!" Kinikilig na sabi pa ng mama nya.


***


"Kuya! *pout* miss ko na si Ate Claire." Paglalambing ni Magui kay Drake na busy kakatingin sa cellphone.


"Ako rin naman."wala sa sariling sabi ni Drake na tila kinakawawa ang cellphone.


Paano ba? Bubuksan nya, pag walang notifications, papatayin. Bubuksan ulit, magpe-facebook tapos scroll down biglang up tapos pabalik-balik sa messages. Lahat ng accounts nya pinagbubuksan pero wala talaga ang hinahanap nya.


"Kuya? Nakikinig ka ba?"


"H-ha? Ano nga ulit? " napailing nalang si Magui sa pagiging lutang ng kuya nya.


"Ang sabi ko, punta tayo sa kanila kasi di pa kami nakakapag-girls bonding." Dahan-dahang ulit ni Magui.


"A-ahh haha sorry. Di pwede eh, kahapon tumawag ako, eh kaso busy daw sya. Nakakahiya namang sugurin ko sya ro'n diba?" Pagsisinungaling ni Drake.


"Kuya? Bakit ka mahihiya eh girlfriend mo naman sya?" Takang tanong ni Magui.


"Paggalang yun, Mag. Nandun din yung parents nya, baka may ginagawa sila tapos mambubulabog tayo ng walang paalam, diba kabastusan yun?" Seryosong sabi ni Drake.


Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon