Don't Touch Her

42 2 0
                                    

3rd Person's PoV



"MORE ENERGY GUYS! EYE CONTACT! EMOTIONS! LAMBOTAN NYO PA! YEAH GANYAN NGA! BETTER!... WEEEEH! AYAN NA YUNG FAVORITE PART KO! CLOSER PA! NICE! KONTI PA! AYAN NAAAAAA! YAAAAN! OMYGOSH KILIIIIG!" parang tangang nagsisisigaw si Rainier.



'Kami ba tinuturuan o pinagtitripan? Kuya? Anyare?'




'Hindi naman kami nasa shooting diba? Pinaglalaruan ba kami ni Kuya Rainier? Inuuto kami?'




"OY WAG KAYONG SUMIMANGOOOOT! "




Ngumiti ng malawak ang dalawa. Halatang bakas sa kanila ang pang-aasar sa trainer.




"DI KO SINABING NGUMITI! EXPRESS LOVE! MAY PAGKA-FIERCE PARA HOT TIGNAN! WHAAAAH AYAN- WAG NGA SUMIMANGOT! ULIT NGA!" inis na inis na sigaw ni Rainier. Ngumisi ang dalawa.




"Ako ba pinagtitripan nyo?" Tanong ng bakla.




"Kami ba pinagtitripan mo?!" Balik na tanong ng dalawa.




"Piste! Umulit kayo! YUN SA LAST NA AGAD! Hihi," maharot na sabi ni Rainier.




"No choice tayo Claire," sabi ni Drake at hinila na si Claire.




Nagsimula na ulit sila. Si Rainier naman ay kinikilig talaga.




"TAMA NA NGA! MAHIHIMATAY NA AKO SA INYO EH! SIGE NA! BUKAS NA ULIT!" Mabuti naman at nagsawa na si Rainier kakapaulit ng last part. Sa ilang linggo kasi ay perfect na ang galaw ng dalawa. Kinikilig lang talaga si Rainier kaya palaging pinapahirapan ang mga bata.





"Pwedeng pahinga kami kahit isang araw lang ,Kuya? Friday naman ngayon eh. Hirap kayang paulit ulit na sayaw ng sayaw! Isang araw lang please?!" Pacute na pakiusap ni Claire.





"Oo nga Kuya Rain,isang araw lang," dinagdagan pa ni Drake ng pagpapacute. Ilang linggo na kasi silang ganito.

"Basta ipromise nyo na Champion tayo at sampung beses nyo uulitin yung last part sa harap ko?" Malokong nakangiti si Rainier.





"SAMPUNG BESES?!!?!" alma ng dalawa.






"Yep. Di kasi nakakasawa. Ang cute nyo pa panuorin. Tignan nyo nga pati cellphone ko wallpaper ko kayo!" Buong pagmamalaking bunuksan ni Rainier ang cellphone. Wallpaper nga nya ang kauna-unahang picture nila habang naestatwa.




"B-bakit..."





"T-tinago m-mo pa?"





Namula ang dalawa. Kitang kita nila ang mga mukha nilang di malaman kung namumutla o namumula. Kitang kita yung mga mata at paa nilang napako sa harap ng isa't isa. Malinaw na malinaw na marahan at may lambing nila sa isat isa. Masusukat na ng palad ang lapit nila sa isat isa. At lingid sa kaalaman nila...litaw na litaw ang salitang LOVE palibot sa kanila.




Nailang at naasiwa si Drake sa nakita kaya tinalikod na nya ang cellphone ni Rainier.





"Yiiie! Omagas! Forever na kayo tapos babawiin nyo pa ang trono ng Blue Hearts! Nakow!" Binatohan nila ng matatalim na titig ang baliw na trainer.






"Mawalang galang na,Kuya. Aalis na po kami," napanting kasi ang tenga ni Drake dahil sa kadaldalan ng trainer nila. Hinila na nya si Claire at umalis na.




Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon