Lets Pretend

42 3 0
                                    

3rd Person's PoV

Brrrzzzt. Brrzzzt.

Alas dyes na ng gabi pero tuloy ang pagcha-chat  nila Claire at Drake patungkol sa kanilang Oplan Panggap. Pinagtulungan nilang pagplanuhan lahat upang masecure na walang makakahalata sa kanila. Even sharing some personal infos.

Nung una ay gusto nilang itigil ito pero kalaunan ay naisip din nila ang maaring magandang epekto nito sa kanila.

Nagbigayan sila ng address at contact number just in case of emergency or acting-acting nila.

Maya-maya ay inantok at natapos na din ang mahabang pagpaplano kaya nagpaalam na si Claire at ganun din si Drake.

"At sino naman to?!" Asar na tanong ni Claire. Antok na kasi sya at pagod na din.

*1 message recieved*

From 09*********

[Save my number! 
                    -Drake :D]

Brrrzzzt. Brrrzzzt.

"Na naman?!" Si Drake kasi ulit ang nagtext.

"Psh,pwede naman sa chat eh," sabay click sa cellphone.

[Get ready for tomorrow! Goodnight,Bal :*]

Napangiti sya nang di nya namamalayan. Kung kanina ay badtrip at inaantok,ngayon ay ang saya nya at nilisan na ng antok.

"Bakla ata yung nerd na yun eh!...hilig sa emoticons! Haha pasalamat sya wala akong load," para syang baliw dahil nagsasalita sya ng walang kausap at ngumingiti pa.

Di maikakaila na di pa din sya nakakamove on sa "Bal" endearment nila.

***

Maagang nagayak si Drake para sunduin si Claire. As ka-MU in pretend ay kailangang hatid sundo nya si Claire. Yes,MU muna para di sila mapaghalataan. Ok lang naman yun sa kanya.

"Laki ah! Teka,matawag na nga," napahanga sya sa bahay nila Claire st nagdoorbell upang palabasin ang sinusundo.

"Nandito ka na pala,tara?" At sya namang sakay nilang pareho sa sasakyan at minaneho na Drake.

***

Mabilis nilang narating ang school. Pinagbuksan ni Drake ng pinto si Claire at sabay na naglakad papasok. Medyo nakuha nila ang atensyon ng mga tao pero kaunti lang. Siguro ay nanibago lang ang mga ito.

Sa pag-pasok sa classroom ay napagtinginan din sila pero di talaga gaano karami. Pansin nila ang mga nangyayari ngunit sinadya nilang magpakainosente at tila walang alam sa pangyayari upang palabasin na nagtatago sila ng sikreto.

Sinasadya nilang magdikit at magkulitan. Umaakto silang naiilang at nahihiya. Lahat ng kilos nila ay isang malaking pagpapanggap lamang. Sinasadya at planado ang lahat ng bagay.

Kahit nung mag-breaktime sila. Gumawa sila ng paraan para pag-isahin ang dalawang mesa. Mesa ni Claire kasama si Nickadine at Lizelle at mesa ni Drake kasama ang pinsang sina Jerich at Euderick.

Pinahalata nila at kunyaring pagkasweet nila.

"Oy oyoyoy! Anong di namin alam?" Sadyang naglayo ang dalawa. Hudyat na para malaman nilang napansin na ang kakaiba sa kanila.

"W-wala naman," kunyari pa'y nagtatago at nahihiya pa si Claire.

"Drake? May dapat ba kaming malaman?" Tanong ni Nickadine.

"H-huh? W-wala no! Ano- wala!" Pananadya ni Drake.

"Hmm,"ang apat ay nagkatinginan at nagngitian pa! Lihim na natuwa ang dalawa dahil nadala ang apat sa pagpapanggap at pagsisinungaling nila.

***

Ilang linggo din silang nagpapanggap na MU sila kaya panahon na para maging sila at lalong pagbutihin ang pagpapanggap.

Nakita nila ang improvement dahil di na sila napapagalitan ni Rainier. Sa tuwing aakto sila ng weirdo at natatawa si Rainier kahit sinasadya lang ang mga ito.

Nasasakyan nila ang kilos ng isat isa. Ganun din ang mga pinagsasasabi nila.

Nakapag-usap na silang dalawa tungkol sa panibagong plano. Kailangan na maging sila dahil November na.

***

Sabay na naglakad pauwi ang dalawa.

"Start na?" Tanong ni Claire patungkol sa fake relationship nila ni Drake.

"S-sige. Mamaya," sabi ni Drake.

Pareho silang bago lang sa relationship. Kahit fake lang ito ay malaking bagay din ito sa kanila.

***

Nang makauwi ay agad nilang binuksan ang FB accounts nila. At simula na ulit ng palabas.

Drake: Claire...

Claire: Bakit?

Drake: Kelan mo ba ako balak sagutin?

Claire: Alam mo?  Ikaw lang yung nerd na nanliligaw na ganito.

Drake: Patunay yan na kakaiba ako.

Claire: Psh.

Drake: Nililigaw mo ako eh! Ano ba?

Claire: Kelan lang tayo nag-aminan eh.

Drake: Patatagalin pa ba? Eh dun din naman ang punta.

Claire: Nerd ka ba talaga?

Drake: Wag mong ibahin ang usapan..

Claire: Sige,oo na.

Drake: Oo na?

Claire: Sinagot ka na nga tapos di pa naniniwala?

Drake: So tayo na?

Claire: Ano pa nga ba?

Drake: YES!!!

Natapos ang planadong chat convo nila. Nasakyan nila pareho ang bawat isa. Gaya ng napag-usapan,ni-screenshot ni Drake ang last convo nila.

Pinost sa FB na may caption na "Finally!" Pinalitan nya ang status ng In a relationship. Di naman sya proud diba?

Samantala,patulog na si Claire.

Kaso...may nagtext.

From Mr. Nerdy Boyfie

[Mission accomplished! Goodnight,Bal :)]

Tulad noon,nabaliw na naman si Claire dahil sa "Bal" na yan.

***

BAL...

Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon