Claire's PoV
Baliw na po ako at abnormal na ang katawan ko,sumobra sa dugo,may sakit sa puso at palaging pasmado. Mamamatay na talaga ako. Di ko na kaya to eh!
"Claire,tawag na kayo ni Kuya Rainier," sabi ni Joanne,kaklase ko.
"Sige,pupunta na ako," bussseeeeeet! Paano nga ako makakapagpractice kung may sakit ako,sabihin nyo nga?! Huhu ayoko na talaga!
"Nasaan na yung nerd?"tanong ko.
"Nerd ka dyan?! Excuse me ang wafu-wafu ng jowa mo! Makatawag ng nerd kala mo di nya mahal oh! By the way,ang cute nyo-,"
"Oo na. Oo na. Kahit kelan ang daldal ng mga tao sa mundo ano?! Sya sige na,uuna na ako," bago pa man din mahalata ni Joanne ang pagkapula ng mukha ko ay tumakbo na ako.
Tsk. Bentang benta sa akin ngayon ang pagba-blush ah! Anong meron?!
"Yung boyfriend mo nasaan?" Salubong saakin ni Kuya.
"Boyfriend ka dyan? Di ko boyfriend yun!" Galit na sabi ko.
"Huh? Aka-,"
"Bal,iniwan mo naman ako eh! Sorry na oh! Ikaw talaga,matampuhin ka!" Tigil na please? Kasagsagan pa ng gyera sa dibdib ko eh! Lumapit pa sa akin ang kupal.
"Che! Dami mong alam!" Pagtatampo ko. Syempre,acting lang yun dahil nasa harapan namin si Kuya Rain.
"Abaaa! LQ sa harapan ko? Tara na nga sa loob," aya sa amin ni Kuya at pumasok na.
"Bakit mo ako iniwan?" Tanong ni Drake na nakalean sa akin.
"Basta. T-trip lang kasi diba? A-alam mo na? Y-yung- ah basta! Tara na sa loob," pasensya na kung di mo maintindihan.
Mukhang napilitan si Drake kaya padabog na naglakad papuntang practice room.
Kung abnoy na ako mas abnoy sya! Iwan ba naman ako?! Aba nagpapanggap kaya kami! Tong lalaking to,nagbago lang ng ayos gumaganyan na!
"Ano ba kasing problema nyo?" Nandun pala yung mga pinsan nya pati sila Lizelle.
"EH BASTA! / SYA KASI EH!" nagkatinginan kami.
"PROBLEMA MO?!" sabay na naman kami.
WAG MO NGA AKONG GAYAHIN!" takte nananadya sya ah!
"CHE!" sigaw ko."Nagbago ka lang eeehhh..."
"TEKA NGA! Bakit ba kasi kayo nag-aaway?! Kanina paOk na kayo ah?" Tanong ni Kuya Rain. Takenote,di ko alam pinaggagagawa ko. Kusa nalang akong nagagalit AT hindi ito scripted. Kainis diba?
"Psh. Nagsusungit kasi..." reklamo ko.
"EH INIWAN MO AKO EH! Tsaka ikaw kaya ang nagsungit," sabi ni Drake.
"Tingin kasi ng tingin kanina..." sabi ko pa.
"ABA! Eh nakaw tingin ka din kaya!"
"So ginagantihan mo ako?"
"Hindi."
"Eh bakit tayo pinahiya ni Maam?"
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...