A/N: HI SA NAGPATULOY SA PAGBABASA DITO! Paramdam ka naman oh. Isang 'Hi' lang sapat na. Pwede ba? Sige na, wag mahiya. Kahit wag mo na icomment 'Hi ate, ganda ng story mo!' Kasi di naman ako umaasa dyan, slight lang. Pero gusto ko yung unang magcocomment ng ganyan, yung walang ka-plastic-an. Pero say hi to Via naman oh! Mabait yan, BhEnTeh 0tChoHz Sh4p4Thx Nu4h mH4hpFha6mh4H4L pH4h. Hahahaha jeje daw oh. Basta magparamdam ka ok? Labyu! -OnlyVia charot!
***
Claire's PoV
"KRISTA CLAIRE MANUEL BERNARDOOOOOOOO! WAG KA NA MAGPAGANDAAAA!" Ang ingay ni Mama. Di naman ako nagpapaganda eh! Nagpulbo lang tapos pabango anong pagpapaganda ro'n?
Bago pa matanggalan ng ngalangala si Mama, bumaba na ako. Anak ka ng tinapay naman! Di ko akalaing ganito kabigat ang bagahe ko! Ano lang ba ang laman nito? Mga damit at undies na kasya para sa isang linggo, dalawang bikinis, dalawang rushguards, isang shoul, sunblocks, slippers, dalawang shades, tapos mga kaek-ekan ko na.
"HOY CLAIRE! BABA NA SABI EH! WAG NA MAG-MODEL SA HAGDAN!" huhu Mama naman eh! Ang bigat nito!
"SAGLIT SABI EH! ANG BIGAT KAYA!" ampf. Napasigaw ako.
"So sumisigaw ka na? Ha? Gusto mong di na kita pasamahin sa outing nila Bestie?" Saan ba galing ang Bestie na yan? Sabay sa uso sila eh!
"Ay sige Ma-"
"Ay hindi pala. Rephrase ko ha? Gusto mo bang manatili sa bahay ni Kuya- este nila Drake foevah?! Ah?!" Nanlaki mata ko, literally. Si Mama pa ba to? Parang hindi na eh. Una, tumo-Tony Gonzaga sya. Pangalawa, SAAN NYA NAPULOT YUNG FOEVAH?! Seriously?!
"Ewan ko sa'yo Ma. Patulong nga po ako rito, Pa." Si Papa kasi hayahay lang nagbabasa ng dyaryo.
"Andyan na si Supeeeer Teds!" ngayon naman Noli de Castro ang peg ni Papa. Pag ako nainis, sisirain ko na ang TV sa bahay! Pero mas mabibwisit ako kung na-Mike Enriquez si Papa. Aruykupo!
Tinulungan ako ni Papa mag-baba ng maleta ko. Buti nalang may mga magulang akong ganito. Kahit minsan may sira sa utak, nagagampanan nila yung role nila as my parents.
"Ti- Mama, si Claire po?"
"Ay! Ayan ang sinasabi ko eh! Anaaaak! Yung asawa mo nandito na! Ah, anak, upo ka muna. Gusto mo ba ng juice, milo, kape, gatorade-"
"GATORADE?!" Anak ng chuchu ka Mama! Ang aga aga, Gatorade? Tsaka wala naman kaming ganyan sa ref ha?
"Tubig nalang po." Pasikretong natawa si Drake. Nang makababa na ako, lumapit na agad ako kay Drake.
Ako na ang bumeso sa kanya sa cheeks. Wag kayong ano, pagpapanggap lang to. Tapos hinawakan ko yun kamay nya sabay upo sa tabi nya.
"Ay bakit beso lang?" Ang bilis ni Mama bumalik "Drake oh." Tsaka inabot ni Drakw yung tubig.
"Min naman eh, bata pa sila no! Wag excited!" Tsaka hinila ni Papa si Mama pa-akyat habang tinatakpan yun bibig ni Mama. Thanks Pa!
"Haha. Grabe yang parents mo, parang si Mama lang tsaka si Papa dati." Sabi ni Drake na tawang tawa.
"Ewan ko sa'yo. Tara na nga!"
"Huy mag-paalam ka." Tingin nya sa'kin? Tumayo ako kasama sya, syempre magkahawak pa rin kami ng kamay. Nag-iingat lang, baka magpag-halataan kami.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...