Drake's PoV
"Hello,Clai–,"
[SINABING KALIMUTAN EH! WALA NA YUN! PAST IS PAST! BYE!]
Anong problema nun? Itatanong ko lang kung may kopya sya ng notes kanina sa Filipino t-tsaka k-kung narecieved n-nya d-din ba y-yung MMS ni K-Kuya Rain.
Brrrzzzt. Brrrzzzt.
From Mama
[See you very soon,son.]
Eto na nga ba eh! Lagot na. Gyera na naman dito sa bahay.
"Kuya,kelan po ang balik ni Mama?" Tanong ng kapatid kong si Carmella.
"Soon daw eh. Kaya matulog ka na para pagdating nya at mag-girls bonding na kayo with Magui," sabi ko habang hinihila sya papuntang kwarto nya.
"Eh kuya?! I miss her na eh!" Pagmamaktol ni Carmella.
"Ikaw,tigil tigilan mo ako ha? Gusto mo yata ng–,"
"HINDI NA PALA KUYA–HAHAHAHA! TAMA NA HAHAHA!" ganito lang kami sa bahay,kulitan ng kulitan.
"Sige na,pasok na," pinagbuksan ko na ng pinto si Carmella para matulog na.
Nang makapasok na sya ay lumakad na ako para matulog na din sa kwarto ko.
***
"Tara na,Claire," sabay kuha ng mga libro nya at pinagbuksan sya ng pinto ng kotse.
"Thanks," nangyari dito? Kung dati ang ligalig tapos ngayon nanahimik?
"Tahimik ka yata?" Papansin ko.
"A-ah bakit,m-masama ba?" Oh,nauutal pa! Bayaan na nga.
***
"Oy,wag ka nga umiwas. N-nakakamiss yung kadaldalan mo eh," kanina pa kasi sya tahimik. Tititigan ako tapos mamumula. Problema?
"D-di ako u-umiiwas," di umiiwas tapos umuurong paatras.
"Halika nga dito,Bal. Ikaaaw! Matampuhin ka talaga kahit kelan," niyakap ko sya at siniksik sa katawan ko,"makisama ka,nandyan si Kuya Rain," pabulong kong sabi.
Nanginginig syang yumakap pabalik saakin.
"Pasaway ka kasi eh!" Tapos hinampas nya ako ng may lambing.
"Oy tama na PDA,nasa school kayo," saway ni Kuya Rain.
"Tara na po?" Ipepresent na kasi namin ang sayaw sa harap ng buong MAPEH Department.
"Get ready," paalala saamin ni Kuya. Hawak kamay kaming naglakad ni Claire.
3rd Person's PoV
Habang naglalakad ang dalawa ay di nila maiwasan na magkatitigan at magkailangan.
"Nandyan na sila," sabi ng isa sa mga teachers. Nagsiayusan na sila ng upo at handa na manuod.
"You're free to comment guys para naman malaman ko kung ano pang kulang at dapat pang iimprove. Sa loob ng ilang months ito na ang nabuo namin," paunang sabi ni Rainier at sinenyasan ang dalawa para magsimula.
Nagsimula na sila.
"Gandang chemistry,Mars oh!"
"Improving na sila,"
Kumento ng ilang guro.
Samantala,kung titignan ang dalawa ay parang kanilang kanila lang ang mundo. Di maalis ang tinginan st ngitian. Marahan at maingat ang kanilang mga galaw. Pero sa loob loob nila ay ilang na ilang na sila.
"Ang sweet nilang tignan!"
"Shet! Bumabalik ako sa pagka teenager!"
"Ay! Winner na to!"
Narinig pa nilang mga kumento mula sa mga guro.
"Practice pa ng madami,babalik na tayo sa trono natin."
"Nakakainlove sila."
"Nakakadala."
"Rain! Sinong pumili dito sa mga to?"
"Si Evielyn,Mars."
Lalong ginanahan ang dalawa. Sige sila kakagalaw,kakagiling at pakitang gilas. Unti unti ay nahuhuli na nila ang tamang emosyon.
Nang nasa huli ng part...
"Yiiie! Kileg!"
"Whoah! Pang PGT na!"
"Ang ineeett!"
"Bagay talaga sila."
Sa di nila namamalayan ay pinapanood na din pala sila ng ilang estudyante at kinukuhanan ng pictures ng mga teachers.
Nagbow ang dalawa at masigabong palakpakan ang isinukli ng mga manonood sa kanila.
"Perfect!" Sigaw ni Rainier at niyakap ang dalawa. Nagkadikit na nga ang mga pisngi nila dahil sa biglaang pagyakap sa kanila. Ilang na ilang at namumula na sa hiya silang dalawa pero kailangam dahil pag-hihinalaan sila.
"Naamoy ko na ang pagbabalik natin!" Sigaw ng isang teacher.
"GROUPHUG!" mula sa tatlong nagyakapan ay nakisali na lahat ng teachers na naroon.
***
Comment! Feedbacks! Votes!
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Fiksi RemajaSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...