Rainier's PoV
"Guys! Ilang araw na ba tayong puro warm up? Kelangan nating mabuo ang step!" Sermon ko sa dalawang akala mo robot sa titigas ng mga katawan.
Sayang tong dalawang to talaga. Ang ganda ng tandem nila. Kung titignan,almost perfect na talaga. Sayaw nalang then PAK! International na ang sasalihan mg BHA sa susunod!
Panay ang pagpapractice na ginagawa ng dalawa. Alam kong pursigido sila,lalo na si Drake. Pero di ko ba alam kung bakit ang lalamya at wala sa ayos ang mga galaw nila.
"Drake,Claire presence of mind pwede?" Pakiusap ko sa kanila. Kahapon pa yan magmula nung sabihin namin ang plano.
"Ah o-oo po kuya," tanging sagot ni Claire at wala namang imik si Drake.
Tuloy ang ensayo. Tinatry ko silang gayahin ang ibat ibang contemporary dance. Pinanood ko na sila non kanina,tinuruan ko na din.
"Kaya nyo pa?" Tanong ko.
"K- Kuya...nahihilo ako," sabi ni Claire. Agad naman syang binuhat ni Drake para di tuluyang bumagsak sa sahig.
"Break po muna tayo kuya," paalam ni Drake kaya tumango ako.
Nang umayos na sila ng lagay ay hinayaan ko silang gawin ang gusto nila. Pero nagsiksikan lang sila sa sulok at masugid na pinag-aralan ang isang video ng CD (contemporary dance). Alam kong pati emosyon at facial expressions ay pinag-aaralan at pinagpapractisan nila.
Hinayaan ko ang dalawa hanggang sa makatulog ako.
Drake's PoV
Mahirap nga talaga. Haaay paano ba to. Eh basta gagawin ko nalang ang best ko para sa ikaaayos ng lahat.
Teka nga...paano ko ba papalabasin ang love na yun?
Claire's PoV
Sa lahat yata ng nakakainis ay yun naiintindihan mo na,pero dinideny mo para mapilitan silang gumive up. Paano ako magmamahal kung para lang pala sa sayaw yun?
Paano akong magmamahal kung may dahilan?
3rd Person's PoV
Tahimik na nagpapractice sina Drake at Claire. Sa mga piece na ginagawa nila di nila maiwasang magkasakitan.
"Aray!" Daing ni Claire dahil mukhang napilayan sya kakabending.
"Tigil ka muna dyan,Claire," tinayo sya ni Drake at dinala sa sofa. "Nasaan masakit? Dito?" Hihilutin sana ni Drake si Claire pero pinigilan nya ito.
"O-Ok na. Pahinga lang to tapos ok na," sabi ni Claire. Hinayaan naman sya ni Drake at bumalik na sa practice.
"Drake,more energy," paalala ni Rainier kay Drake.
"Opo," tanging sagot nya.
***
Isang linggo na din ang lumipas, isang linggo na din na puro sakit sa katawan ang iniinda nila. Pero worth it naman dahil mas better na ang galaw nila ngayon.
Unti-unti na din nabubuo at nagagawa nila ng maayos ang mga piece ng CD. Naisasagawa nila kahit papaano ang mga stunts kahit mahirap pero di talaga maiwasan ang pagkakasakitan nila ng di sinasadya.
"Bukas nyo na ituloy ang practice,its already 10:00 PM uuwi pa kayo," sa sobrang pursigido nila,di na nila iniisip ang oras.
"Thanks po,Kuya Rainier," sabi ni Drake at Claire. They pack their things up and umuwi na.
***
"Grabe ang sakit ng katawan ko!" Reklamo ni Claire kaya tinapik ni Drake ang balikat nya.
"Parehas lang naman tayo eh," sabi ni Drake habang punas ng punas ng mukha.
"Nakakainis no? Tayo na ayaw ng ganito,tayo pa ang nahihirapan, tayo pa napapagalitan," nakayukong sabi ni Claire.
"Yaan mo na. Makakaya din natin to, matatapos din lahat ng to." Tapos ginulo na ni Drake ang buhok ni Claire at naglakad na ng tahimik.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Novela JuvenilSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...