3rd Person's PoV
Tagaktak ang pawis ng dalawa. Pareho silang naghahabol ng hininga. Bago kasi ang buwis buhay nilang pagpapractice,nagsisimula muna sila sa madugong warm ups at workouts. Di pa kasi sanay ang mga katawan nila lalo na't matitigas ang mga buto nila.
Sa pagpapahinga nila ay pinatayo din agad sila ni Rainier.
"Tumayo muna kayo,wag umupo. Pagod pa kayo,mamaya saglit pwede na umupo," naintindihan naman nila si Rainier.
***
"Suko na ako,"seryosong panimula ni Drake.
"Ako din naman. Eh ikaw nga na lalaki,sumuko dahil sa hirap eh lalo na ako,diba?" Sabay lagok ng tubih ni Claire.
"Kahit sabihin nilang exempted na tayo ay masaya ako. Mas gugustuhin ko pang mag-aral ng mag-aral kesa sumayaw ng ganito araw araw," inis na sambit ni Drake.
"Ako din. Kahit sabihin mong may pagkakikay ako,di ko hilig ang pagsasayaw. Wala akong kaalam-alam dun no!" Paglalabas ng sama ng loob ni Claire.
"MAGSIMULA NA KAYO!" naputol ang labasan ng saloobin ng dalawa nang tawagin sila ni Rainier para mag-ensayo.
***
Bending,tumbling,split,kembot,ikot,buhatan,habulan. Lahat na ng kalikutan pinaggagawa nila. Nakapaloob yun sa sayaw na itinuro sa kanila. Mahirap para sa kanilang gawin ang lahat ng iyon dahil wala silang kaexpi-experience pagdating sa ganito.
Pawisang umuwi ang dalawa kaya sige sila kakapunas ng towel. Pakiramdam nila ay kinokontrol sila. Kung di kasi sila napili,malaya sanang nakikipagkaibigan si Claire at namamahinga na at tahimik namang nagbabasa sana si Drake. Kaso wala naman silang magagawa dahil nakataya ang pag-aaral nila dito.
"Drake..." basag ni Claire sa katahimikan.
"Bakit?" Tanong ni Drake habang pinapaypayan ng sariling palad ang mukha.
"Diba gusto mong mabawasan tong kahibangan ng BHA na to?"may tono ng pagkainis sa tanong ni Claire.
"Ahh oo naman! Bakit mo natanong?" Napangiti ng bahagya si Drake dahil may naamoy syang pag-asa.
"May plano ako," palabang wika ni Claire.
"Makakatulong ba talaga?" Pagkaklaro ni Drake.
"Kung tutulong ka," sabay tingin ng matalim kay Drake.
"A-ano bang p-plano mo? K-kinakabahan ako s-sayo eh," pautal utal na sabi ni Drake.
"Well,mahirap pero kayanin natin," determinadong sabi ni Claire."May naging girlfriend ka na ba?" Pahabol na tanong ni Claire.
"Wala. Tss. Sa isang Drake John Padilla?! May magkakaintires ba sa isang nerd?!" Tatawa tawang sagot ni Drake.
"Labas to sa personal na buhay mo pero...kailangan mo akong maging girlfriend in public," mamalim ang iniisip ni Claire.
"Bakit? Para saan?" Naguguluhang tanong ni Drake.
"Dahil pagod na tayo kakadinig ng fails natin kaya gusto ko na matigil. Balak kong tuparin yung sinabi nila na 'you have to fall in love - fall in love' na yan," napatango si Drake.
"Payag ako,pero paano? Wala akong idea sa mga balak mo," napabaling si Claire kay Drake.
"Starting tomorrow,mag on na tayo. Everything are all lies. And all we have to do is to lie and pretend," paliwanag ni Claire.
"Kakayanin kaya natin yun? Paano kung mabuko tayo?" Tanong ni Drake.
"Kakayanin kung gugustuhin at hindi malalaman kung maayos natin gagawin to at walang magpapaalam," sabi ni Claire at sakto namang maghihiwalay na sila ng daan pauwi.
"Sige na,Drake,Dito na ako," paalam ni Claire.
Tumango si Drake," Bye,Bal," at lumiko na ito.
'Bal?' Napangiti si Claire ng wala sa sarili dahil sa tinawag sa kanya ni Drake.
"Bal," napangiti ulit si Claire at naglakad na.
***
Not bad. Tiis lang,guys.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Ficção AdolescenteSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...