Advice Needed

75 4 0
                                    

3rd Person's PoV

"OH MY!!!"

Napasigaw si Rainier nang makita ang dalawa.

'Ang lakas ng dating nila. Bagay  na bagay! Magiging champion talaga ang BHA.'isip isip ni Rainier.

"Bakit po?" Tanong ni Claire.

"Ah wala. Ang gagandang nilalang nyo kasi. So... start na tayo." Tsaka sila umupo sa mahabang mesa na maraming upuan. Magkabi yung dalawa pero malaking ang espasyo habang si Rainier nasa harap nila.

Nagsimula ang meeting nila.

"So ako ang magte-train sa inyo. May gusto akong interpretative song for you and I'm sure bagay to sa inyo. Everyday dito tayo magpapractice tuwing uwian nyo. Every weekends kayo na bahala magpractice kung saan nyo gusto. Nga pala,nabasa nyo na ba yung nakalagay sa brown envelope?" agad namang kinuha ni Drake ang envelope sa bag at binasa.

"Ok ganito yan. Yan yung mga infos at rule and regulations natin sa contests." sabi pa ni Rainier.

Nakibasa na din si Claire.

Maya-maya ay tapos na nilang mabasa ang nasa papel.

"Bukas tayo mag-start."

Umoo ang dalawa pero ang totoo ay parehong ayaw nila ang mga nangyayari.

***

Claire's POV

"Ell paano to?"kausap ko ngayon ni Ellysha sa phone. Manghihingi sana ng advice kaso isa din pala tong walang alam.

[Sorry bestie ha? Wala talaga akong kaalam alam sa situation na yan. Tsaka hahaha si Nerdy Boy pa ang partner mo! Haha--.]

"Oy ikaw Ell ha? Wag kang ganyan. Mabait yun kahit nerd yun noh!"sabi ko kay Ell. To talaga kahit kelan.

[Bye na nga kay Nicz ka na lang magtanong. Di ako relate. Tsaka diba nga-- ay oo nga pala diba sila yung sumali dati sa contest na yan? Diba first placer sila? Ayun! Tanong mo!] Oo nga pala noh.

"Bye na! Buti may tinulong ka." sabay end ng call.

Tinakbo ko ang section ni Nicz. Wala silang teacher ngayon kaya malaya ang bruhang makipagflirt kay Jerich (jerik).

"NICZ! Hoy! Halika dito!"pag-aaya ko

Lumabas si Nic.

"Bakit?"tanong nya.

"Kasali ako sa Contemporary dance contest. Paano yan,di ako marunong sumayaw."  nakapout na ko pero halata sa mukha ni Nicks na gusto nya ako pagtawanan.

"Sino nga ulit partner mo?"pigil pa ng tawa Nicks,malilintikan ka na saakin.

"Yung ne-- si Drake." sabi ko.

"Pfft. Haha kayo na talaga ang dahilan ng pagkatalo ng BHA. Haha."

"Oo may naitulong ka. Ha-ha." sarkastiko kong sabi.

"Eh kasi naman. Pareho kayong walang kamuwang muwang sa sayawan."haaaay sige pa asarin pa daw.

"Yun nga ang point ko. Paano kami mananalo kung wala kaming talent sa sayawan?"nagliwanag ang mukha ni Nicks.

"Sa Saturday. Magkita tayo. Isama mo si Drake at isasama ko si Jerich."anong balak nito?

Drake's POV

Busy-ng busy ako dito kakasolve ng Math. Mahirap-hirap din to pero kaya pa naman. Buti pa nga to nasosolve ko eh,yung sariling problema ko... malabo.

Matapos kong magsolve,sakto namang dating ni Claire.

"Drake may pupuntahan tayo sa Saturday. Dont worry tungkol to sa practice. Kita nalang tayo sa Gate 1 ha?"tumango ako at umalis na din sya.

Di talaga kami close ni Claire. Ang layo ko sa mga gusto nya.

Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon