Day 2: Bonding

61 5 0
                                    

Drake's POV

[Kita tayo sa gate 1:10 am may pupuntahan tayo.
                                      - Claire
PS: Paki-save ng number ko. ]

Ang aga naman magising nito. At saan naman kami pupunta? Tsaka bakit kasama ako? Close na kami?

[K sige :)  -Drake ]    

Message sent

Agad akong naligo at kumain.

9:30 AM

Umalis na ako ng bahay. Simple lang ang damit ko. T-shirt na yellow green tapos maong pants then rubber shoes. Wala akong arte sa suot di katulad ng mga lalaki sa school,panget man o may hitsura grabe kung pumorma.

Maya-maya dumating na sya.

"Akala ko male-late ka ng dating."sabi ni Claire.

"Hindi ko ugali yun. Tara na."sabi nga pala nya,sa kanya daw yung sasakyan na gagamitin kaya nag-cummute lang ako kanina.

Sumakay ako sa kotse nya,sa tabi nya.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko.

"Friendly Date."ahh akala ko kung saan. Friendly lang naman. Ano kala nyo saakin magpapaka-OA? Tsk baklain ang dating.

"So saan mo gusto? Yung may thrill dapat ha?"sabi ko. Ayoko sa date yung kain lang gusto ko adventure.

"Wala akong balak kung saan. Bahala na,kahit saan."sabi nya na ikinangiti ko ng pasikreto.

At dahil sa mahiwagang manibela ni Krista nakarating kami sa amusement park na puro buwis buhay ang rides.

Pumasok kami at nag-ikot ikot muna. Maya-maya napagod si Claire kakalakad kaya umupo muna kami.

"Bakit dito tayo?"tanong ko. Aba napapadalas ang pagbuka ng bibig ko ha?

"Di ko din alam. Pero feeling ko masaya dito eh."sa bagay. Oo nga naman.

Nang matapos ang konting pahinga ay bumili na kami ng mga tickets at nagsimulang magpipila at sumakay.

Walang rides na inayawan kami pareho.  Lahat pinagsasakyan namin. Hindi ko nga alam kung babae pa ba tong kasama ko,ang tapang eh,di manlang nagsuka o nahilo.

"Tara kain tayo."sa wakas nagutom ka din. Ilang oras na kasi pero mukhang high na high ang buong katawan ni Claire at walang kapaguran. Ang hyper eh.

Kumain kami sa isang fast food chain. Hindi naman sya galit sa french fries at sundae ano? Pinagsama nya yung dalawa eh. Tapos nginangat-ngat nya pa yung ketsup sachet.

"Anong trip mo? Kakaiba ka ha?" sita ko.

"Unlike other girls and like you,I dont even care kung mayaman o may pera ako. Kung saan ako kumportable,kung saan ako masaya then dun ako. Hindi din ako maarte,sadyang simple lang." napahanga ako sa sagot nya. Kakaiba tong babaeng to.

"Oh! Ang dami nating similarities talaga no? Haha meant to be na ba o soulmates tayo? Haha joke." napansin din pala nya.

"Tell me something about yourself if you dont mind."sabi ko.

"Ah, I have two older sisters and one older brother. My family ... ah simple lang din kahit may business si Dad. Wala akong boyfriend since then,di ko lang talaga type na magkaroon. I have few friends pero marami akong kakilala,pili lang kasi ang mga kaibigan ko. May dalawa akong bestfriend sina Lizelle Soberano at Nickadine Lustre. Ahhm ano pa ba? Sorry kung puro general lang ang sinasabi ko ha? Di lang ako sanay magopen."sa totoo lang masyadong maraming impormaayon ang nalalaman ko sa loob ng ilang araw naming pagsasama.

"Eh wala na pala akong sasabihin sayo eh. Pareho lang tayo.  Sa family lang pinagkaiba. I have four siblings,three girls and one boy. Hiwalay yung parents ko  pero ok lang naman saamin. And...yung Nickadine? I think...sila ng cousin ko?"

"Who?"tanong ni Claire.

"Ni Jerich Reid at yung Lizelle naman...ka-MU ata ni Euderick Gil." sabi ko. Yung pinsan kong talaga na yun! Mahaharot!

"Kaya pala bihira ko na sila makasama,nasa mga pinsan mo pala *sigh* Buti pa sila...may lovelife ako eto...wala."pagdadrama ni Claire.

"Wag mong madaliin ang love. Gayahin mo ako,naghihintay. Pag minadali mo kasi,masasaktan ka lang. Parang laro lang yan eh,tipong nasa level one ka palang tapos dinirecho mo sa level ten. Edi nag-try again ka nang nag-try again. Kung sa love umaasa ka lang at nasasaktan." mahabang litanya ko na ikinalaki ng mata ni Claire.

"Teka...ikaw ba may girlfriend na?" Tanong ni Claire .

"Tss ako?! Nerd,magkakaGF? Single ako no," sabi ko. Pasaway to si Claire tsk.

"Kahit ex?" Hirit pa nya.

"Wala pa nga," sabi ko.

"Eh kasi mukhang may pinanghuhugutan ka eh," paliwanag nya.

"Ah haha wala,napanuod ko lang," sagot ko.

Natahimik kami ng ilang minuto.

Claire's POV

Masarap palang kasama't kausap tong si Drake eh.

"Nakakatuwa no? Ang dami nating similarities," basag ko sa katahimikan.

"Oo nga eh. Natutuwa talaga ako," huh? Weird.

"Tara na nga,rides ulit tayo,"  pag-aaya nya. Aba't walang kapaguran?

***

Maiksi padin talaga.Sana ok pa tong UD. Beginner pa poh aketch ei. Haha basta comment nyo lahat ng hinaing at reklamo nyo. Babasahin ko,masipag ako dyan :)

Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon