Claire's PoV
To: Dj Pogi XD
[Dj,ako nalang papasok mag-isa. Bahala ka na sa gagawin mo kay Grace. Itext mo ako kung saan kayo mamaya. Umayos ka.]
Pagkatapos kong itext si Drake ay sumakay na ako sa kotse ko. Matagal tagal ko na ding hindi nagagamit to.
Tahimik akong nagdadrive pero naninibago ako. Bakit walang makulit? Bakit ang tahimik? Umiling nalang ako at nagpatugtog ng radio.
Haaaay bakit traffic ngayon? Kainis naman. Relax nga Claire.
*1 message recieved*
From: Dj Pogi XD
Napangiti ako nang di ko alam. Naalala ko nung inagaw nya yung cellphone ko dahil napansin nya ang pangalan nya sa contacts ko. Haha pinalitan nya tuloy.
[Yes Bal. Ok na,nakagawa na ako ng palusot. Sa garden mamaya.]
Yung ngiti ko kanina,nawala. Kumabog yung dibdib ko. Di ako mapalagay,mabuti nalang at umandar na ang pila ng sasakyan dito.
***
3rd Person's PoV
Tulad ng nais ni Claire,hindi nga nagpansinan ang dalawa. Hindi sila nagtabi. Pero lingid sa kaalaman nila,pareho pala silang pasikretong sinisilip ang isat isa. Lalo na si Drake.
Konting angal ni Claire at natataranta sya at kulang nalang ay biglang tumalon papunta kay Claire. Malaglag lang ang kahit anong gamit ni Claire ay nangangati agad ang kamay at paa nya para sana abutin iyon. Naiinis nya dahil magkausap si Rence at Claire at nagtatawanan pa. Parang gusto nyang sapakin ang katabi.
Nakabusangot si Drake buong klase nila sa umaga. Nang magbreak ay agad syang lumabas sa inis at hinila si Grace. Kahit nagulat si Grace ay sumama pa din sya at kinikilig pa.
Samantalang si Claire ay napansin ang pag-alis ni Drake. Hindi nya alam kung mapapangiti sya o manggagalaiti sa galit.
'Nagpanggap lang yun. Wag kang OA.'
Lumabas na din sya at iniwan si Rence.
***
Drake's PoV
"Drake saan tayo? Akala ko ba magrereview tayo?" Hila-hila ko sa braso si Grace.
"Oo nga. Sa garden tayo," wala ako sa sarili ko. Naiinis talaga ako kanina sa nakita ko.
"A-aray Drake,m-masyado n-naman atang m-mahigpit ang h-hawak mo," napabitaw naman ako. Damn. Pati si Grace nadamay pa sa galit ko.
"Sorry. Tara na," hinayaan ko syang sumunod saakin. Nakarating kami at agad akong umupo sa bench.
"NAKAKAINIS!" sigaw ko sabay buntong hininga.
"Teka,akala ko ba mag-rereview tayo? Bakit ka naiinis at sumisigaw dyan?"
"Hayaan mo muna ako,Grace." Umupo ako at pilit kinalma ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Genç KurguSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...