3rd Person's PoV
"CONGRATULATION GRADUATES!" sabi nung Principal nila kaya naman nagsihiyawan yung mga estudyante.
Tapos na ang program nila pero di parin matapos ang walang kamatayang groufies ng mga magkakaklase.
Ang daming nagsi-iyakan, may nagyayakapan pa nga. Karamihan ay naglabas ng marker o ballpen at naghubad ng toga. As usual, may pirmahan sa uniform at goodbye messages. Yung iba halos lamunin na ng camera kaka-picture. May ibang nagsi-uwian na dahil may handaan sa bahay. Binato nila yung sombrero nila paitaas tapos sasaluhin din. May mga animo'y mangingibang bansa kung magkapaalamanan. Basta magulo ang buong auditorium.
(A/N kasi po naman, di pa ako nakakaranas ng college graduation mga inday. Hahaha. edit ko nalang kapag naka-graduate na ako. Matagal pa, highschool palang eh. XD)
Sila Claire at Drake bitbit ang kanilang mga magulang na di alam kung saan pupunta.
"Kain nalang tayo sa labas?" Aya ni Claire kaya sumang-ayon na si Drake."Ma? Pa? Saan po?" Tanong ni Claire sa mga magulang.
"Sige sa restaurant nalang," sabi ng Mama nya. Maya-maya may sumulpot bigla sa tabi ni Drake.
"Long time no see ah? Congrats!" Gulat na gulat si Drake pero mas nangibabaw ang saya.
"Papa! Buti nakahabol ka?" Sabay yakap ni Drake sa ama.
"Nakahabol pa ba? Tapos na kaya," pagtataray ni Karla.
"Sungit mo pa din Labs! Smile naman jan oh," pang-aasar ni Rommel kay Karla.
"Paps- este HOY! Wag mo ako matawag tawag ng ganyan ah! Feeling ka talaga kahit kelan no?" Nanggangalaiting sabi ni Karla.
Natawa si Rommel maging ang mga anak nito.
"Haha, Ma, chill! Bitter ka pa din ba? Haha tara na sa resto." Aya ni Drake.
"Kasama yan?" Tanong ni Karla na naiinis na.
"Oo naman, Ma. Pleeeeaaase! Pagbigyan na ako pleeeeaaase. Ngayon lang, graduation ko naman eh."
"Oo na sige."halatang napigilan lang si Karla.
"Guys, groufie tayo dali!" Pag-aaya ni Claire, pagbababa na din ng tensyon sa mga magulang ni Drake.
Agad naman nagtipon-tipon silang lahat. Hawak ni Claire ang monopad kaya nasa unahan sya katabi syempre si Drake. Sumunod sa harap ni Drake si Lelay at nasa likod nito si Magui. Ang parents ni Claire ay nakahanay sa kanya same as Drake's.
Naka-ilang shots din sila dahil pinagpasa-pasahan nila ang monopad at sinalpakan nang sinalpakan ng paiba-ibang cellphone. Sunod-sunod ng din ng pagkindat ng DSLR ni Rommel sa kakakuha ng pictures sa dalawang nag-graduate.
"Kelan ka pa naging proud tatay?" Gulat na tanong ni Karla na syang ikinangiti ni Rommel.
"Simula nang magka-anak. Utak Labs, utak."
Pero di na iyon pinansin ni Karla. "Tara na sa resto."
Wala na ring pipigil dahil nakasakay na ang mag-iina sa kotse ni Karla kaya ganun na rin ang ginawa ng lahat. As usual, nasa iisang kotse lang ang Couple In Pretend ng taon.
***
"So kelan ang kasal?" Sabay na halos magbugahan ng pagkain sina Dj at Claire.
"Kuya tubig."
"Nak, hinay-hinay lang oh."
Kumakain na sila pero walang patid ang kwentuhan. Nasa isang mahabang mesa sila. Nagsama-sama ang mga Bernardo at mga Padilla. Naikwento na rin nila sa mga ito ang mga pangyayari sa Lovelife in Pagpapanggap ng dalawa. Syempre umarangkada ang katalinuhan ni Drake.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...