Nasa loob ng practice room ang dalawa. Sila lang dalawa ang nandun. Kelangan nilang makilala ang isa't isa."So...Ahm...Ano...Paano ba sisimulan?"mukhang tensyonado ang dalawa. Si Claire nakayuko at kinakalikot ang kuko. Si Drake naman tulala at nag-iisip kung paano sisimulan.
"Ah! K ganito nalang,"kinuha ni Drake yung bote ng tubig na walang laman sa tabi nya.
"Spin the bottle?" tanong ni Claire.
"Yyyep! Then pag tumutok sayo yung nguso ikaw ang sasagot at ako ang magtatanong."paliwanag ni Drake. Medyo nawala na rin yung ilang nya kay Claire.
"Ah ok. Sige start na."at pinaikot na ni Drake ang bote. Tumapat ito kay Claire.
"Whole name."sabi ni Drake.
"Krista Claire Manuel Bernardo. Hala sya,parang di ako kilala."totoo naman kasi,walang pakialam si Drake sa klase tanging pag-aaral lang ang inaatupag nya,nalaman nya lang ang pangalan ni Claire dahil sa tawag ng mga kaklase nito na naririnig nya.
"Honestly,di ko talaga alam ang buo mong pangalan."sabi ni Drake.
"Bakit naman?"takang tanong ni Claire.
"Nah. Wag mo na alamin,lets spin this again."pinaikot na nga ito ni Drake,di nalang kumibo si Claire.
"Its my turn."nag-smirk pa si Claire.
"Drake Josh Ford Padilla,your age?"tanong ni Claire.
"15. Haaay ano ba yan,oh."nagulat si Claire dahil may dalawang BioData si Drake. Alam kasi ni Drake na magtatanungan talaga sila ng mga basic questions.
"Hanep ha? Pero sige."nagsimula na ang dalawang magsagot sa biodata.
Nang matapos ay nagpalitan sila.
"Monte Villa Village? Mayaman pala kayo eh,bakit ka nag-scholar?"tanong ni Claire kay Drake.
"Ayokong umasa sa kanila. Kahit sabihin mong mayaman kami,di sapat na rason yun para gumastos ako nang gumastos. Gusto kong maging independent."napahanga si Claire sa sagot ni Drake.
'Kakaiba talaga sya.'isip isip ni Claire.
Iniscan nila ang hawak nilang biodata. Kahit papaano ay may nalaman din sila sa isa't isa.
"Itago nalang natin to then tuloy natin yung spin the bottle."tinago na nga nila ang biodata sa bag nila. Pinaikot ni Claire yung bote.
"Packing tape naman!"tumapat kas ulit sa kanya yung nguso ng bote.
"Ay alam ko na susunod!"sige naman sa kakalikot si Claire. Kinuha nya any bag nya at naglabas ng Authograph.
Pinilas nya ang apat na piraso nito.
"Here."inabot naman ni Drake yung dalawa. Sinagutan ulit nila pero si Drake tanging harapan lang ang sinagutan.
Nagpalitan ulit sila.
"Haha ang cute naman! We almost the same pala haha."sayang saya si Claire dahil halos pareho lang ang mga favorites nila isama na ang pagka-ayaw nila sa pag-sayaw.
"Haha oo nga no!"nagulat si Claire sa reaksyon ni Drake.
"Wahaha sa wakas nakita na din kitang tumawa."agad namang nagseryoso ang mukha ni Drake.
"Ayt masama kang batiin pala no?" Pero sige na...please? Ngiti ka na?" pakiusap ni Claire.
"Bakit naman ako ngingiti?"tila nanunubok si Drake.
"Basta...Ang gwapo mo lang tignan." ngumiti ng bahagya si Drake. Si Claire palang kasi ang nagsabi sa kanya ng gwapo.
"Tigilan mo nga ako sa pambobola mo."sabi ni Drake at nagbasa ulit sila.
"Tignan mo to. Bakit yung unahan lang ang sinagutan mo? Daya naman."pagtatampo ni Claire.
"Eh sa wala akong sagot para dyan eh."paliwanag ni Drake. Paano ba naman kasi puro tungkol sa love ang tinatanong doon.
"What is love lang? Crush? Di mo alam? Di mo masagot?"sabi pa ni Claire.
"Wala akong alam sa love. Wala akong crush kaya walang dapat isagot dyan."paliwanag ni Drake.
"Oo na,sige na. Pero...idescribe mo ang love. Dali! Please? Ngayon lang."mapilit talaga si Claire. Pero suko na dito si Drake.
"Love? Four words na makakasira ng pag-aaral ko."nagulat at madismaya si Claire sa sagot ni Drake.
"Ang bitter mo sir ha?"sino ba naman kasi ang magaakalang yan ang isasagot sa tanong na 'What is love?'
"Ayoko lang talagang idefine ang love. Basta."ayan natahimik tuloy si Claire.
"Tsk makareklamo,sya din pala walang sagot."natatawang sabi ni Drake.
"Wala akong alam."
Paulit-ulit silang nagsitaan,paulit-ulit silang nagtanungan. Pero hindi nila alam na sa ginagawa nila ay napapalapit na ang loob nila sa isa't isa.
***
Yay! Magde-day 2 na!!!
#KathNiel
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Ficção AdolescenteSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...