Alamat ng Eye Contact

43 2 0
                                    

3rd Person's PoV

"Yaaah! Wala nga sabi yun! Wala. Wala! Pretend nga diba?! Kaya wala yun Krista Claire! Wala! Diba wala?!" Parang baliw na nagwawala si Claire sa kwarto nya at pinapaniwala ang sarili na wala lang ang nangyari.

"Eh ano naman kung nagtinginan diba? Normal lang yun diba? Diba? Wala lang yun! Pampaimpress lang kay Kuya Rain yun!" Para na talaga sya baliw kakaikot at pagulong gulong sa buong kwarto nya.

Humarap sya sa salamin,"Kalma. Wala. Lang. Yun!" Sa ginawa nya ay nakita nya ang sarili nyang namumula.

Flashback

"Drake! Claire! Ano ba!? Closer! Sige pa! Wag mahiya!" Pagmamando ni Rainier."Parang hindi kayo ah! Teka,kayo nga ba? Diba sabi bawal nga?" Pahabol na tanong ni Rainier.

"Kami na ho. Wala na po kaming pakialam kung bawal. Alam naman po namin ang ginagawa namin. Wag nyo na po ipagbawal pwede? Kasi ito nalang ang kaligayahan namin,ipagkakait nyo pa ba?" Deretchong sambit ni Drake. Napanganga si Rainier,di nya akalain na may ganung side pala si Drake. Si Claire naman ay lihim na napangiti.

"Very well said,Drake! Yan ang gusto ko! Hayaan nyo,magagawan natin ng paraan yan. Dali na! Ginaganahan  ako ngayong magturo!" Excited na sabi ni Rainier.

Itinuloy nila ang kaninang ginagawa.

"Yan... Konti pa...Yah! Yan! Again ,simula dun sa last," nasa kahuli-hulihan na sila ng sayaw kaya dapat lang na may pose sila.

Inulit nga nila. Nasa magkabilang dulo sila nakapwesto. Nakatalikod si Claire kay Drake at ganun din si Drake. Upang mapalapit kay Claire si Drake at tumambling sya patalikod papunta kay Claire. Sakto ang distansya sa paghinto ni Drake sa likod ni Claire. Marahang hinaplos ang balikat ni Claire ni Drake,agad naman ni Claire inabot ang kamay nito. Inikutan nya si Drake at dahan-dahang binitawan ang mga kamay nito. Nalipat ang kamay ni Claire sa pisngi at balikat ni Drake. Habang si Drake at nakahawak sa bewang at pisngi din ni Claire at sabay silang umiikot ng paulit ulit. Papalapit ng papalapit habang nananatili ang mga mata nilang tutok sa isat isa. Di natitinag. Tumigil sila nang matapos ang tugtog ngunit nasa ganung posisyon pa din.

"Yan! Ang ganda! Ganyan dapat!" Ngunit parang bingi ang dalawa at walang narinig. Tanging napako lang sila aa kinatitirikan nila at maging ang mga mata nila. Animo'y parang sinasarili nila ang mundo,walang naririnig at tanging nakikita lang ang isat isa.

Sa nangyayari,nakaisip ng kalokohan si Rainier. Kinuha nya ang cellphone. Naka-silent ito kaya walang tunog. Dahan-dahan,maingat at malinis nyang nakuhaan ng litrato ang dalawa sa ganung posisyon. Di talaga ito matinag. Alam na nyang may nararamdaman ang mga ito para sa isat isa kaya naman hinayaan nya nalang.

Nag-alala sya na baka matuluyan na silang maging estatwa at itayo na ang mga ito sa gitna ng quadrangle ng school at lumabas na sya at sinara ng pabalibag ang pinto. Naging dahilan ito para bumalik ang naglakbay na kaluluwa ng dalawa.

'Anong nangyayari?'

'Wala sa plano to ah!?'

Nabigla sila kaya binitawan ang isat isa. Bakas sa mga mukha nila ang hiya. Namumula na ang mga ito kaya nagsitalikuran sila.

"Pagpapanggap lang yun," sabay nilang sabi. Alam nilang wala iyon sa usapan pero hindi naman nila alam kung ano ang pumasok sa utak nila at nangyari ang kahihiyang yun.

"Kalimutan mo nalang," nahihiyang sabi ni Drake.

"Oo nga! B-bakit ko naman t-tatandaan?" Nahihiya ding sagot ni Claire.

Hanggang sa pag-uwi ay tahimik lang sila. Walang nagkikibuan,walang nagpapansinan. Nakakabinging katahimikan ang naghari hanggang sa mag hiwalay na sila ng daan pauwi.

***

Claire's PoV

"Tama naaaaaa! Wala talaga yun! Di ako nailang! Wala akong naramdaman na kaabnormalan sa puso ko! Di ako namula! Wala! Normal lang yun! Walalalalala walalalalala!" Pagulong gulong ako sa kama ko at kinakalma ang sarili. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari pero ayaw paano ba naman kasi...

...ang ganda ng mata nya...

...ang pula nung labi nya...

...ang bango nya...

...ang cute cute nya...

...nakakainlove yung titig nya...

...nakaka-a–

CLAIRE ANONG PINAG-IISIP MO?!

"Hindi! Nerd yun! Panget yun! Nagpapanggap lang kami! Yun lang!" Pleeeaaassseee! Patulugin nyo na akooooo.

"Wala talag–,"

Brrrzzzt. Brrrzzzt.

"Sana hindi si Drake," sana talaga huhu.

From Kuya Rainier

"Yes!" Nawala ng konti ang kaba ko.

"MMS? Trip ni Kuya?" Nagloloading pa yung MMS na sinend nya. Ano kaya? Quotes?

Nanlaki ang mata ko.

"WALA.WALA.WALA! EDIT LANG YAN! EDIT! DI TOTOO. NANANAGINIP KA LANG CLAIRE!" Yung MMS kasi...yung kanina.

Brrrzzzt. Brrrzzzt. Brrrzzzt. Brrrzzzt.

"Whaaaah tama na! Sino na naman ba to?!"

Mr. Nerdy Boyfie Calling...

Nanginginig ang kamay ko. Di ko alam kung sasagutin ko o hindi.

"Aray!" Nalaglagan yung braso ko ng maliit na tuperware dahilan para mapindot ko ang answer button.

Patay.

[Hello,Clai–,]

"SINABING KALIMUTAN EH! WALA NA YUN! PAST IS PAST! BYE!" Nakakapesteeeee!

"Argh! Parang crush lang eh– hah? Erase! Di ko crush– panget yung nerd na yun! Tama!" Tama na. Magmove on na sana ang utak ko pwede? One more thing,HINDI. KO. SYA. CRUSH!

***

Kalma. Nababaliw lang si Claire.

Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon