Lies but Truth

35 2 0
                                    

Claire' PoV

Aba eh loko talaga tong si Dj eh. Di ko naman akalaing ganito ang gusto nya! T-teka... nasaan na nga pala yun?


*guitar strumming*


Hala... Nasaan na ba yun?


(Now Playing: Walang Iba by Daniel Padilla)


Anak ng bitiki nga naman oh!  NASA PINTO SYA SA DULO!


"Oy,Bal,sorry na kasi. Langya kasi eh. Si Mama kasi sobrang fan ng KathNiel ayan tuloy,pati kakantahin ko sya may pakana," madaming natawa pero kahit natatawa ako at nanatili akong nakafiece– este expressionless look.


"Ang kulit naman eh. Isang smile lang Bal oh. Sige na..." pangungulit pa ni Drake at nakapuppy eyes na.



"Ayoko nga," pagsisinungaling ko. Gusto ko na kasi talaga humagalpak sa kakatawa dahil sa mukha ni Drake.


"Aish. Di mapilit. Haaay. O sya, makinig ka nalang," sabi nya at kumanta na.


Ang mokong,kumakanta at nag-gigitara na lahat lahat ang gwapo pa din. Napansin nyang nakatingin ako kaya kinindatan ako. Hayup na yan! Namula ako.


Seryoso syang kumakanta at nag-gigitara. Ang ganda ng boses. NakakaLSS eh. Madaming kinikilig. Pero bakit ako naiinis? Malay ko. ... Claire talaga eh.


Binaling ko ang tingin ko sa parents ko,NGITING NGITI! Sa side nila Drake,naka-like sign. Kay Kuya Rain,tumatalon talon pa! Sa mga teachers, argh. Nakakasuka dahil kinikilig sila na parang mga teens lang. Haha joke. Sa mga estudyante, ayun,nagtutulakan na. Sa mga bestfriend ko,binigyan nila ako ng 'Makipag-ayos-ka-na-kay-Mr.Right ' look. Sa dalawang pinsan ni Drake, tinanguhan ako na para bang 'Pagbigyan-mo-nalang -sya-ulit look.



Haaay. Wala akong kakampi. Para kasing nagsasawa na din ako dito eh. Pero ayoko namang mahiwalay kay Drake....Sige na nga,tuloy ang plano.



Di ko namalayang tapos na pala kumanta si Drake. Ang lakas ng sigawan. EDI SILA NA ANG HINARANA! KAINIS EH! AKO DITO NAGPIPIGIL TAPOS SILA FEEL NA FEEL?! JOKE BA HA?! JOKE??!?



Pagpasensyahan nyo na ako. Naiinis lang talaga ako eh. Ewan ko kung bakit.


"Claire! Ano na naman kinukunot ng noo mo dyan? Di ba maganda yung kanta? Masakit ba sa tenga yung boses ko? Ano?" WTF! Nahalata nya? Natanggal na sa balikat nya yung nakakawit na gitara kaya wala na din yung mic at mic stand sa ibaba.



"O baka naman...nagseselos ka?" Tae. Ako na yata ang lipstick ni Anne Curtis eh! Red na red! Naririndi na talaga ako sa ingay dito.



"Nek-nek mo! Ako magseselos?! Duh!" Pagdefense ko para lang mapigilan ang namumulang mukha ko.




"Galit ka pa nga," yumuko sya,nagsisi naman ako. Ganun ba ako kagalit–  ay tanga. Nagpapanggap lang pala kami.



"Sorry kung naabutan mo kami na magkayakap. M-may problema kasi si Grace nun,syempre bilang kaibigan,bilang lalaki,kailangan ko syang aluin. Pero hanggang doon lang yun," ahh yun pala yun. Kung ano ano kasi ang mga pinag-iisip ko eh.




"Hindi kita mahabol noon dahil alam kong galit ka. Baka kasi lumaki pa yung gulo. Pinaalis ko nalang si Grace para mapag-isa ako. Kung galit ka...ako din,galit ako sa sarili ko nung oras na yun. Siguro nga pati ngayon eh. Claire,ilang months na oh,simula nung nakipag-break ka sa akin. Di mo ba ako namimiss? Ni minsan ba di mo ako minahal?" Nanatili akong nakatayo at naninigas sa stage. Di makapagsalita. Buti na nga lang at nasa mic stand ang mic ko kung hindi baka nailaglag ko na yun.





Lumalakad na pala si Drake papalapit sa akin."Nagpaka-normal ako para dito. Dahil dito nakasalalay yung mga grades natin,pangalan at tiwala ng school sa atin. Pero sa loob ko Claire,nasasaktan ako kapag nag-iiwasan tayo. Nasaktan ako nung nakita kitang umiiyak kasama yung mga kaibigan mo. Claire mahal kita kaya nasasaktan ako," nakalapit na pala sya at hinawakan na ang mga kamay ko. Sa di ko malamang dahilan,pinabayaan kong hawakan nya ang kamay ko.





"Please Claire,please. Bigyan mo ulit ako ng pagkakataong maging akin ka. Akala mo ba ako lang ang nakakamiss at nangungulila sayo? Hindi  Claire,miss na miss ka na nila Mama,Magui at Lelay. Kahit yung mga kumag kong pinsan. Claire, wala talaga yun. Please pwede ba? Maging tayo na ulit? Wag mo naman sabihing hindi dahil minsan lang maging ganito ako. Tsaka malaking kahihiyan to no! Kaya pwede ba? " may basa? Yung pisngi ko basa? Umiiyak ako? Bakit?







"Sira ulo ka talaga. Tignan mo oh,umiiyak na ako. Nakakainis ka! Sana hinabol mo ako nun. Di mo ba alam na nadapa na ako kakaiyak? Miss-miss ka dyan. Iniiwasan mo ako tapos miss?! Sana nilapitan mo ako diba? Umiiyak ako nun dahil sayo! Kaya tignan mo galit sayo yung mga bestfriend ko! Kahit kelan ka talaga Dj! Ang galing mo magpahiya!" Ayan habang sinasabi ko yan,punas ako ng punas ng luha. Para akong bata.






Hinawakan nya yung pisngi ko tapos pinunasan yung luha ko ng thumb nya. Shemay ang gwapo talaga. At... naka lapel pa pala sya.





"Sshhh.  Wag ka na umiyak. Sorry na talaga. Sorry. Ito na ang huling iyak mo. Kaya–,"





"Ang dami mong dada! Oo na! Oo. Tayo na ulit!" Sabi ko ng nakangiti. Di ko naman feel na feel ang pagiging Girlfriend in Pretend no? Haha.





"MAMA! KAMI NA ULIT OH! YES! YES! WHOOOOOH! ILABYU BAL! WHOOOOH! WALA NG BAWIAN AH! YEAH! KAMI NA ULET!" parang baliw na nagsisisigaw si Drake. Niyakap na naman nya ako at sinabay sa nakakahilong talon-talon nya. Ganun pala yung feeling na sinagot mo yung guy no? Ang saya. At masaya din ako dahil di na kami ulit mag-iiwasan.





"Haha. Tama na Baby Bubot! Pagka-Mama's Boy mo na naman umiiral. Oopps! Uupakan mo? Sige di na tayo," pang-aasar ko. Ang daming kinikilig at nagtatawanan.




"Psh. Oo na. Tara na sa baba,pakasal na tayo," kinunutan ko sya ng noo. Lokong to,ang daming alam. At ang mga audience,kinilig?! Mga tao nga naman.



"Ewan ko sayo. Dami mong alam," saka kami naghawak kamay at bumaba na sa stage.




"Oh! Kaya naman pala feel na feel natin ang performance nila no?  May love talagang namamagitan sa kanila." Sabi nung host.





"Yeah. At kinilig ang buong auditorium. Ms. Bernardo,wag mong pakawalan na si Mr. Padilla. Bihira na sa lahi naming mga lalaki ang tulad nya," natawa naman ako sa sinabi nung lalaking host which is true naman.




Natapos ang program at nagsiuwian na ang lahat. Kaming mga BHA ay didiretcho sa school para magcelebrate. May nakahandang pagkain na kasi doon dahil sure win na daw talaga kami. Di nga kami nagkamali.






Nasa sasakyan ako ni Drake,kami lang dito. Sila Mama ay dun sa sasakyan ko. Sila Tita ay sa sasakyan nila. Si Kuya Rainier at ang mga teachers ay nasa van. Sila Nicks kasama yung dalawang pinsan ni Drake. At yung mga estudyante,nagsari-sarili na ng sakay.




"May pa-iyak-iyak pa syang nalalaman oh!" Parinig ni Drake.



"Haha para may dama,ikaw nga ay pasigaw sigaw ka pa eh. Nangharana pa! Haba pa ng speech!" Sabi ko ng nakangiti.



"Oy ah! Ngayon ko lang nagawa yung mga yun! Tsaka ok naman ah!" Puro kami kwentuhan at tawanan sa buong byahe,parang dati lang.





***




"CONGRATULATIONS!" yan ang bumungad sa amin nung pagbaba namin sa kotse.




"Thank you po," sabay naming sabi.



"Tara na sa loob,magcelebrate tayo sa pagbabalik natin sa trono!" Sabi ng isang teacher.





"Haha tama. AT! MAGCELEBRATE DIN TAYO SA PAGBABALIKAN NILA DRAKE AT CLAIRE!" sabi pa ni Kuya Rainier. Napayuko nalang kami at patuloy na kinakantyawan at inaasar.






Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon