3rd Person's PoV
As usual,pinagtitinginan nanaman sila Drake. Mas nakuha nila ang atensyon ng karamihan dahil sa paghawak-kamay nila.
Dedma. Yan lang ang kailangan para magkalakas loob ka. Wala silang pinapansin dahil iniisip nila ang pwedeng mangyari mamaya. Balak na nilang aminin ang relasyon nila sa mga kaibigan ni Claire at mga pinsan ni Drake,pati na kay Rainier.
"Basta,kunyari hiya effect tayo. Mautal utal na salita at kinikilig aura," sabi ni Claire. Sya kasi ang nagbabalak pagdating sa panggapan at si Drake naman sa pagsisinungaling nila.
"Copy,Kumander!" At naglakad na sila patungong garden dahil may pag-uusapan ang magpipinsan dala ang dalawang kaibigan ni Claire.
***
"Bro,padating na sila Tita. Lagot ka na naman dun!" Sabi ni Euderick kay Drake.
"Hayaan mo na si Mama. May pinag-usapan na kami kaya bahala na," sabi ni Drake.
"Nga pala,nabalitaan ni Mama na kasali ka sa sayaw kaya sya na daw bahala sa mga isusuot nyo, magpapadala nalang sya ng assistant para sa inyo," sabi naman ni Jerich. Isa kasing kilalang fashion designer ang ina nya.
"Thanks," tanging nasabi ni Drake.
Nagsitinginan ang lahat sa mga kamay na di mapaghiwalay. Napandin iyon ng dalawa.
Wala sa plano iyon.
'Bakit kasi naganito?'
'Wala sa pinagusapan to ah?'
"Kayo ba may tinatago?" Mapanubok na tanong ni Nick.
"Ano na ba talaga kayo?"tanong din ni Lizelle.
"Hinahanap kayo ni Kuya,papunta na sya," sabi ni Euderick.
Tumango ang dalawang kabado. Di kasi nila alam ang magiging reaksyon ni Rainier.
"So ano na kayo?" Tanong ulit ni Nick.
"Ahh a-ano–," pinutol ni Claire ang sasabihin ni Drake.
"Bal, sa–," muling naputol ang sasabihin ni Claire.
"BAL?!!??!!!?" gulat na gulat na tanong ng lahat.
Kalmado na si Drake pero pasikretong ngumiti. Si Claire ay pasikretong pinangigigilan ang palda sa kilig. At ang apat...in the state of shock pa din.
Unang natunawan si Jerich at nilibang ang sarili sa FB ng cellphone nya. Unang bumulalas sa paningin nya ang post ni Drake kagabi.
"S-sila na n-nga," ang OOA lang nila. Bumalik sa pagkayelo si Jerich.
Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang nerd at semi-nobody ay magkakarelationship.
Muling natuwa ang dalawa dahil paniwalang paniwala ang mga kasama nila sa acting nila.
"Anong nangyayari sa inyo? Claire,Drake,wag na ituloy ang sinabi namin. Bawal na ang real couple. Di ko alam,basta sinabi lang," mukhang si Rainier nalang ang gumagalaw sa kanila. Nanlumo kasi at di makagalaw si Drake lalo na si Claire.
"HUY!" pang-gigising ni Rainier sa mga nagyelong kasama.
Dahil nabwisit sya at naOP ay iniwan nya nalang ang anim na tulala.
***
"Pakatapos ng lahat?! Tapos biglang magbabago?! Pinagloloko ba nila tayo?!" Halo-halo ang panghihinayang at inis sa nararamdaman ni Claire.
"Tama na,Claire..." pang-aalo ni Drake.
"Kung magsalita ka parang di ka kasali dito ah!" Galit na maluha-luhang wika ni Claire.
"Hindi naman sa ganun,Bal..." natahimik si Claire at nagpipigil ng ngiti.
"Ah basta! Nakakainis sila!" Nagpipigil pa din si Claire.
"Hayaan mo nalang...ituloy nalang natin ang nasimulan," kalmadong sabi ni Drake. Hindi pa nakaimik agad si Claire.
"O sige,tuloy nalang natin," maaari kasing pagdudahan sila kung biglaan nalang maghihiwalay.
***
Yiiieee! Di ka kinikilig! Corny na OA pa... tiis lang. (>y<)
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...