Claire's PoV
My ghaaad! Ano na naman ba? CLAIRE?! Anong ginagawa mo?! Nababaliw ka na naman ba? Shit. Shit talaga! Umayos ka! Napakaparanoid mo! Pagpapanggap lang yun! Yung sinabi nyang wala lang yun! Kasinungalingan. Tama,yun lang! Nadala lang sya,nadala ka lang din! Wala yun,ok? Pumasok ka nalang please?
"Am I going to kiss my wife?"
Aaahhhhck! Tama na please? Wala nga yun! Wala!
'You're the first girl made my heart beats abnormally. You're the one na hindi nagpapatulog sa akin gabi gabi. Everyday,you always makes me happy,hyper,annoyed or even...blushing. Di mabuo ang araw ko na wala ka. '
CLAIRE ALAM MO BA ANG SALITANG KUNWARI? BOBO KA NA BA?! HA?! Gusto nyo lang pareho na mafeel ang maikasal. Wag kang magpaniwala dun! Yun? Tsk. Wala sa dugo nya yun!
Haaaay. Sumalampak nalang ako sa kama bago pa masiraan ng bait sa pakikipagtalo ko sa sarili ko. Hindi naman ako mananalo.
Matapos nung- ahhck! Kiss na yun,peste. Naewan na ako. Bakit nga ba hinayaan ko sya? Bakit di ako bumitaw? Bakit di ko sya sinampal? Malamang tulala ako eh. Nako naman! Bakit ba tuwing kailangan ko ng kaluluwa tsaka natyempuhang nawawala? Nakakaewan na!
Yun nga,natapos yun. Anong sabi nya? "Forget. Friendly kiss lang yun," sinong hindi maiinis? First kiss ko naging friendly kiss lang?! Seriously?!
Flashback
"S-so k-kasama y-yan?" Tengeneng yen! Di to nakakatawang biro ah!
Umiwas na sya at tumalikod,akala ko may kukunin,yun pala...
Damn. Hinigit nya ako palapit sa kanya. Gulat na gulat ako. Ang init ng kamay nya pero ramdam ko yung malamig na pawis. Wala ako sa sarili hanggang sa- anong gagawin ko? Bakit nya ako hinahalikan? Kasama ba to sa pagpapanggap? Naestatwa ako at di na kinayang gumalaw. Parang naghihina yung tuhod ko tapos yung lakas lumipat sa dibdib ko. Feeling ko anytime maisusugod ako sa ospital dahil sa kaabnormalan na to SA KALAGITNAAN NG PAGHALIK NI DRAKE PA!
Bigla syang humiwalay. Di ako makagalaw. Di ko maisara yung bibig ko pero di rin ako makapagsalita. Ramdam ko pa din yung mainit na labi ni Drake.
"We're married,wife," di ako makapag-react. Di ko din naman alam ang irereact ko eh. Bigla nalang nya akong binuhat ng pangkasal.
Ano ba to? Parang hindi si Drake.
Inilapit nya ang tenga ko sa bibig nya.
"Forget. Friendly kiss lang yun," nanggingil ako. FRIENDLY KISS?! MAY GANUN BA?! Ha-ha para sa mga naniwala.
Nang makarating kami sa reception,uwian na pala.
"Dj,derecho na tayo sa bahay tapos hatid muna natin si Claire sa kanila. Sige na,pumasok na kayo," mabuti nalang at binitawan nya ako bago pa masalubong ang mama nya.
Pumasok kami sa kotse. Kahit naiinis ako,hinawakan ko nalang ang kamay nya at sumandal sa balikat nya.
"Di ka galit?" Ano sa tingin mo? Aish! Kainis! Di ko nalang kinibo.
Nakarating kami sa tapat ng bahay na nagkasandalan na pala. Kaya tumayo ako at humiwalay.
"DJ! YUNG GIRLFRIEND MO UUWI NA! GUMISING KA DYAN!" hinampas sya ng mama nya. Nagising din si Drake at pinagbuksan ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Novela JuvenilSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...