(A/N narealize ko...ang hirap pala ng pinasok ko. TT^TT Di ko na alam kung paano patatakbuhin to. ?_? Shaklaff nito ,dre (-_____-#)
PS. nakakalito na po. Grabe na po kasi ang panloloko nila sa isa't isa kaya kahit totoo na,kasinungalingan parin sa isip nila -,-
PPS. bet na bet ko yung part title "Faking Real" bakit di ko to naisip nung naghahanap ako ng pwedeng ititle? Shemay. Past is past nga naman talaga (-_______-#)
***
3rd Person's PoV
"Oy best,bakit wala si Mr. Right?" Tanong ni Lizelle kay Claire.
"Oo nga,Bestie. Nasaan na yun?" Patong pa ni Nicks.
Bakas ang kalungkutan ni Claire at panghihinayang na din. Di maipinta ang mukha nito,tulala na rin. Kahit nasa cafeteria sila ay ang tahimik ng mesa nila Claire.
"Best? May problema ba kayo? Sabihin mo sa amin," niyakap ni Lizelle si Claire.
Hinampas ni Nickadine ang mesa gamit ang kamay,"aray... NAG-AWAY KAYO NO? TARA LIZ! SUGURIN NATIN YUNG SI DRAKE!" matapang na tumayo si Nick at marahas na hinila si Lizelle.
"Aray ha? Ang brutal mo na din!" Pagtatampo ni Lizelle.
"Please guys,hayaan nyo sya. Wag nyo na guluhin. Kasama nya ng mga pinsan nya,sila na bahala," nanlisik naman agad ang mga mata ng mga kaibigan nya.
"Seriously?! Papayag ka nalang?!" Galit at nagtatakang tanong ni Nickadine.
"Ghaaad Claire! Ang martyr mo pala! Dapat makipagbreak ka na sa kanya!" Sigaw ni Lizelle.
"B-break na t-talaga k-kami," mautal-utal na biglang sabi ni Claire.
"Shit. Sorry Bestie," nilambing na naman ni Lizelle ang paiyak na bestfriend.
"Wag kang iiyak,best. Wag. Di nya deserve ang iyakan ng dyosa. Wala yun. Ok lang,nandito pa naman kami ni Bessy eh," sumali na din sa yakapan si Nickadine. Lalong naiyak si Claire sa sobrang supportive at pagmamahal sa kanya ng mga bestfriend nya.
***
"Bro, break na daw kayo? Takte pare,masakit yun sa kanya! Next week pasko,mag-isa lang sya," sabi ni Euderick. Napayuko si Drake,aminado syang pati sya nasaktan din.
"Bakit ba kayo nag-break? Kelan lang masaya kayo ah. Nak ka ng baboy talaga oh...pati date namin ni Babes madadamay eh," sabi pa ni Jerich.
"Bakit naman?" Tanong ni Euderick.
"Tanga lang? Eh mas mahal pa nila si Claire kesa sa atin eh! Tignan mo,ayun sila oh,nagyayakapan tapos nag-iiyakan pa. Tsk. Mga babae talaga," asar na sabi ni Jerich. Malayo man sila pero kitang kita nila ang tatlo sa iisang mesa.
"Hayaan mo muna sila. Sorry kung nadamay pa ang date nyo. Ganito kasi,monthsary namin pero nagpalong test si Maam Castillo kaya nagpasama ako magreview kay Grace. Ayaw kong isama si Claire dahil wala kaming parehong matututunan. Tapos may problema pala si Grace,nagkakagulo ang pamilya nila. Naawa ako dahil umiiyak sya. Pumunta kami sa garden para marelax sya at malibang. Di ko naalala na naitext ko pala si Claire para pumunta doon. Sakto noong nayakap ko si Grace dahil walang tigil kakaiyak,dumating si Claire. Naabutan nya yun. Umiyak at malamang nasaktan. Pinipilit kong pakiusapan at bigyan ng chance magpaliwanag pero nasaktan talaga at galit na galit. Ayun,nagbitaw ng salitang break na kami. Tinawag ko pero sumigaw ulit ng tapos na kami. Wala akong magawa dahil nanghihina din ako nung time na yun. Di ko na sya nasundan. Todo ang pag-sosorry sa akin ni Grace kaya tinanggap ko na... Bros,masakit din naman sa akin yun. Sana wag nyo ako sisihin," mahabang paliwanag ni Drake na kasinungalingan lang.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...