3rd Person's PoV
Ilang araw na ang nagdaan. Sikat na pala sila Drake at Claire sa buong school. Napakalaking tarpaulin ang nakalagay sa quadrangle nila na bumabati sa pagkapanalo nila. Ang kanilang mga trophies ay ipinaubaya sa school. Marami na talaga ang humahanga sa kanila.
Nagtataka ba kayo kung bakit di sila nadisqualified? Haha. Kalokohan lang pala kasi yun ni Rainier. Para daw sa sayaw nila mailabas yung feelings nila. Kaya ayun,naasar yung dalawa dahil nga... nag-work,epektib eh!
Sa kanilang Pagbabalik Panggap palagi na ulit silang close,sweet,nakakakilig at magkasama kahit saan. Madalas silang makarinig ng mga kantyaw pero di nila malaman kung matutuwa ba sila dahil effective ang pagpapanggap ,kikiligin dahil sa mga kantyaw o malilito dahil ewan nila.
Nasa cafeteria silang lahat. Ang tatlong pares ng itlog. As usual, maingay sila at may sari-sariling mundo. Nawala na yung awkward pero kila Claire mukhang wala ng pag-asa.
"Oy kayo ah! Ano- lalalalala! Yan na naman yang titigan nyo eh!" Pang-aasar ni Nick sa dalawang over magtitigan.
Claire's PoV
"Oy kayo ah! Ano- lalalalala! Yan na naman yang titigan nyo eh!"di ko namalayang nakikipagtitigan ako kay Drake. Napayuko naman ako at di na pinansin si Nick. Namumula na din kasi ako. Ewan,mukhang hobby ko na to.
"Wala. Natural lang naman yun. Syempre, ang ganda ng mata ni Bal kaya nakakatempt na titig-titigan. Tsaka feeling ko nga eh para kaming nagkakaintindihan through eye contact," nawala ang pagkapula ko dahil niligtas na naman ako ni Drake. Pero crossedfingers talaga ako dahil kinikilig yung mga bestfriend ko at baka gawin pa kaming entertainer ni Drake. Wag naman sana.
"Grabe Bestie! Kung ganyan lang si Rick edi sana pinakasalan ko na!" Malokong parinig ni Liz na nakasiksik sa tabi ko.
"Grabe ka naman,cutiepie eh! Wala naman akong skill na katulad kay Drake. Teka Pare, saan mo ba nakuha yan? Di kaya paarbor nalang oh!" Natawa nalang ako. Pag-pinagsama kasi si Euderick at Lizelle equals comedy yan! Puro tawanan dahil ang cute talaga nilang pagsamahin.
"Naaako! Arbor ka dyan! Eh kung si Babes nga di magaya ang "damoves" ni Drake,ikaw pa kaya! Asa ka men," pang-aasar ni Nicks kay Rick.
"Ouch Wifey ah! Chakit! Minamaliit mo ba kakayahan ko? Tsk. Di talaga kami tutulad kay Drake dahil masyado syang old school," banat pa ni Jerich. Aba at old school daw?
"CHE! Di mo ba alam na kaming mga babae,mas madaling kiligin kung litaw na litaw ang efforts ng mga lalaki para sa amin! Kaya wala kaming pakialam kung OLD SCHOOL man yan!" Eto pa. Pag pinagsama si Nicks samahan pa ng Jerich equals action. Malala sila magbangayan.
"Bessy? Ikaw ba ang girlfriend?" Punang tanong pa ni Liz.
"Ay,hehe. Pasensya sorry! Hehe," pinagtanggol ba daw si Drake?! In fairness ah!
"Pasensya mga boy! Haha. Kampi sa akin mga gf nyo!" Napakunot talaga yung noo ko.
"ABA'T MARUNONG KA NA MAGYABANG?!" kainis. Di naman yan ganyam dati eh. Nahawaan na nila Rick panigurado.
***
"Best, sabihin mo nga kay Drake mag-donate naman sya ng dugo kay Hubby. Nakakainggit yang kasweetan nya eh! Tignan mo,pwede ka na hayaan umuwi pero hinatid ka pa sa inyo. Tapos hinintay ka pa para ihatid dito. Best, ang swerte mo!" Awww. Nagdadrama na naman si Nikadeng! Paano kasi, kanina nung uwian nagkayayaan kami na pumunta kila Lizelle tutal wala naman yung parents nya. Wala lang,happy-happy,bonding lang. Tapos ayun,hinatid pa ako ni Drake papunta sa bahay tapos papunta dito.

BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...