Continue

34 2 0
                                    

Claire's PoV






Namimiss ko na talaga si Drake. Walang maingay,di nya alam. Di ko sinasabi kasi sinusungitan ko. Para tuloy kaming mga may sapi. Magka-away sa personal,close sa text at chat. Sinusungitan ko din minsan yan sa chat o text. Magbiro ba naman na may nararamdaman sya sa akin,syempre ako nagulat,maya maya may text ulit, sabay joke lang daw. Edi tawa ako. Oo as in ha-ha,sarkastiko talaga para magsisi. Pero ewan ko at mukhang trip na trip ako ni Drake. Palaging ako yung binibiro ng ganun.






Nung Friday naihatid na yung isusuot namin. Tama nga si Drake,maganda ang black. Haha. Nung time na yun nalilito lang ako kung anong maganda kung black o gold. Eh black yung gusto nya,nakipagtalo ako. Haha ang tibay parin eh.






Busy na kami ngayon,super. Di na magkanda-ugaga ang mga MAPEH Dept. sa paggawa ng mga banners. Kami nila Kuya Rain at Dj todo ang ensayo. Wala na kaming halos pahinga. Di na kami nagpapansinan ni Dj. Alam na ni Kuya Rain na break na kami kaya napabilib sya na lalo daw kaming gumaling. Ewan ko kung bakit.


In all fairness, MALAMBOT NA ANG KATAWAN NAMIN. Haha araw-arawin ba naman diba? Tapos- ay shet! Naalala ko na naman!





Flashback




"Whaaaah! January na pala no? Guys isang hatawan nga! Yung hataw na hataw. Pak na pak. Makalaglag pangang performance! Ganern! Isang beses lang," nagkakalkal lang ng cellphone si Kuya Rainier nang bigla nya kaming sigawan. Alam naman naming January na! Tsk.








"OY! Ano na?! Yan na ba? Dali!!! Galaw galaw katawan! Sheyk yo badey!" Minsan naiinis na din ako dito kay Kuya eh. Nung una,ang istrikto,lalaking kumilos. Ngayon? Lantaran na po.





Naglapit na kami ni Drake. Nakita kong tumakbo si Kuya Rain para buksan ang speaker.






"Ayyyiiiieee! Emeged! Ang hot hot na po! Whu! Go sige na," sabi sa inyo eh. Ayan,ang hot hot na din ng mukha ko.





Sa paglalapit namin ni Drake,may naalala ako...



'Yung tinginan nyo...may spark eh,'






Erase Claire,concentrate.






Pero kung natitigan ko sya... parang? Nung nahawakan ko sya- may kuryente? P-parang na ground ako eh. Nadidistract talaga ako promise. Habang magkatitigan kami,gusto kong tumungo at umiwas ng tingin, eh diba nga bawal? Kumurap nalang ako.






Parang may sinasabi yung tingin nya. Aish wag na nga!





Umabot na kami sa peyborito ng mga BHA. Yes,ng mga BHA. Nung nagperform kasi kami nung Monday sa program,dun sa part na yun halos tumindig lahat ng balahibo ko sa sobrang ingay. Halos mabasag na yung eardrums ko pati na yung mga ilaw sa taas.







"Reigne Chavez sa gabi,kumalma ka, ok? Wala pa ya- CLOSER! AYAN! ok na yun. Kalma lang bakla," narinig kong pagpapakalma ni Kuya sa sarili.






"VeryveryveryVERY impressive! Nice guys! Wah nyo pansinin kung sita ko sa inyo kanina,kinilig lang ako," konyatan ko na kaya to?





"You may take your break muna," haaaay salamat naman.





Basang basa na ako ng pawis ganun din si Drake. Pareho na kaming parang galing sa gyera. Gulo-gulo na din ang mga buhok namin.






Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon