Dance Of Love

43 2 0
                                    

(A/N. *crossedfingers* sana naman maintindihan ang nakakaantok na istoryang to no? At sana maintindihan nyo ang chapter na to. Pasensya na sa kalalabasan.)

***





3rd Person's PoV





"Wag kayong kabahan. Relax. Number 5 pa kayo oh, tiwala lang. Kaya nyo yan. Tandaan nyo, walang malisya dito kaya wala kayong karapatang magkailangan. Focus lang, concentrate and dance gracefully and lovely," paalala ni Rainier sa dalawang ninerbyos na sa kaba. Agad naman silang kumalma at bumuntong hininga.




"Let's pray,guys," aya ni Rainier. Naghawak kamay silang lahat.






'Nakuryente na naman ako ah.'




"Lord, please give them enough strength,presence of mind and guide them also. Remind them the things that may help them for this. Lord, sana po ay wag nilang bigyan ng kung ano mang ibig sabihin ito. Sana di sila mailang o mahiya. Sana maipanalo po namin ito at maibalik sa trono ang Blue Hearts. In the name of Jesus. Amen." Naghiwalay na sila ng hawak.





***





"Wow! That was amazing! Ang gagaling nila! Di talaga kumukupas ang mga tiga-BPA! Ang gagaling pa din nila." -Girl Host.



"Yeah right. Baka sila na naman ang mag-champion this year. Nakakailang panalo na sila. Malapit na nilang maabutan ang history ng BHA! " -Guy Host.




"Oo nga. SO ARE YOU READY FOR THE NEXT PERFORMERS?" Sigaw nya sa mga manonood.





Nagsigawan ang lahat,nagpalakpakan.



"Whaaaah!"




" Yaaaah!"




"Kyaaaah! I love you,Quen!"




"Whoooooh! F-C-U! F-C-U!"




"Go Hope!"





Sunod sunod at maiingay na sigaw ng mga tao. Kada palakpak,padyak at sigawan ay kabaliktaran ng katahimikan sa pagitan nila Drake at Claire. Magkahawak kamay sila ngayon.
.


"Pwede bang kahit pagpapanggap lang to,damdamin natin? Wala namang masama diba? Para sa BHA. Ano?" Tanong ni Drake. Tumango si Claire st hinigpitan ang kapit sa kamay ni Drake.





"Di naman ako mawawala,Bal. Eto lang ako sa tabi mo oh," sa sinabi ni Drake at natawa si Claire dahil feel na feel taaga nito ang pagiging Boyfriend in Pretend nya.







"Kinakabahan lang ako," malambing na sabi ni Claire. Agad syang pinuliputan ng braso ni Drake at mahigpit na niyakap hanggang sa makakaya.






"Mawalan ka ng lakas nyan," sabi ni Claire na nakakapit sa braso ni Drake.






"Di yan. Ano... wala na ba ang kaba?" Tanong ni Drake.






"Nawala din kahit papaano," sagot ni Claire na may totoong ngiti. Tunay ngang gumaan ang pakiramdam nya sa yakap ni Drake.






"Pahingi ako ng isang kiss,pampalakas ng loob," sabi ni Drake. Kumunot ang noo ni Claire.






"Baliw ka ba? Feel na feel mo na talaga no?" Aalis na sana sa yakap si Claire pero hinila agad sya ni Drake.



Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon