Mother vs. Son

44 2 0
                                    

Drake's PoV

"Una na po ako,Tita..." sabi ni Claire  na paalis na.

"Mama not Tita ok?" Si Mama talaga pasaway.

"Sige po,Mama," sabi ni Claire.

"ATE!" Sigaw ng dalawa kong kapatid.

"Balik ka dito ha? Girls Bonding tayo,"sabi ni Magui na ikinagulat ko. Tahimik kasi ito kapag may bisita pero kanina pa nya dinadaldal si Claire. Siguro nagustuhan nya.

"Haha syempre naman!" Sabi ni Claire.

"Ate Claire?  You're so kind and pretty,I really like you for my Nerdy Older Brother," sabi naman ni Carmella.

"Haha thanks," eto nanaman ang pamatay na ngiti ni Claire.

"Tama na nga yan,hatid ko na sya," pag-aawat ko. Baka kasi maisipan pa nilang dito patulugin si Claire. Nako patay na.

***

"Ang cute ng samahan nyo," panimula ni Claire habang nasa loob ng sasakyan na minamaneho ko.

"Ganun talaga kami. Haha. Kaya nga para kaming aso't pusa sa bahay," sabi ko habang nakatingin sa daan.

"Ganun ba talaga ang Mama mo? Ang kulit eh!" Natawa ako dahil napansin nya ang kakulitan ni Mama.

"Yeah ganun talaga yun. Tsaka ngayon lang kasi sya nakakita ng ibang mukha sa bahay. Siguro nanawa na sa mga pagmumukha namin kaya ikaw ang napagtripan.  Sorry," matawa-tawang sabi ko.

"Sorry ka dyan? Wala yun. Ako nga dapat mag-thank you sa pag-welcome nyo saakin sa bahay nyo. Kahit naman fake tayo eh close din naman tayo," nakangiting sabi nya.

"Pero...kailangan ba pati sa kanila...tayo pa din?" Tanong ko.

"O-oo,n-nasimulan na din naman natin eh," sabi ni Claire na nauutal pa.

"Patay ka Dj," bulong ko.

"Hah? May sinasabi ka?"

"Wala," sagot ko. "Nandito na tayo," sabi ko nang makarating kami sa tapat ng bahay nila.

"Thank you," she said and...kissed my cheek. Ramdam kong namula ako. Bakla.

"S-sige na. B-bye," pumasok na ako sa kotse.

"Goodnight,Bal!" Rinig kong sigaw nya nang umandar ang sasakyan ko. Napangiti ako ng wala sa sarili.

***

"Oy! Saan ka pupunta? Dali,dito sa tabi ko. Magtutuos tayo," paakyat na sana ako patungong kwarto pero hinarang na agad ako ni Mama. Eh ano pa nga bang  magagawa ko?

"Upo," utos nya. Umupo din naman ako,takot ko lang madaganan. Haha joke.

"Ang sabi ko–,"

"Aray! Mama tama na,masakiiiiit!" Daing ko dahil piningot nya ako.

Binitawan na nya at hinawakan ko ang kawawa kong tenga. Ang init na tuloy.

"Itigil mo na yang pagiging nerd mo! Di ka naman ganyan dati ah! Bata ka talaga! May girlfriend na lahat-lahat inaasawa mo pa din yang mga libro mo! Mag-artista ka sabi eh!" Bunganga ni Mama.

"Artista? Tsk. Anong maganda dun? Hitsura kong to? Ma,taas ng pangarap mo ah!" Sabi ko.

"Sasagot ka pa! Sundan mo dun yung tatay mo! Tsaka ang gandang lalaki mo kaya!"

"Wala akong piso,Ma..."

"Che! Wag mo akong mabiro-biro ng ganyan! Daganan kita eh!" Natatawa nalang ako. Para kasing di ko Nanay yung kausap ko.

"Eeh Ma kasi... Diba sabi ko  naman matutuloy yun pagkatapos ko ng highschool? Excited ka eh!" Nangislap na naman ang mata ni Mama.

"Seriously Baby Bubot?! Whaaah isama mo si Claire ah! Naku talbog lahat ng sikat sa inyo!" Napakunot ang noo ko.

"Bakit nadamay na naman si Claire?" Tanong ko.


"Over protective ka talaga anak! Naalala ko pa nung ganyan si Rom saakin– ay! Tapos na kami nun!" Mukhang mananaginip ng gising tong si Mama.

"Psh."

"Nak,yang si Kc,gustong gusto ko talaga. Pati nga mga kapatid mo gusto sya eh. Nak,pakasalan mo na!" Haaaay sya lang talaga yung nanay na nauuna pa sa future.

"Pero mag-aartista ka pa din. Humanda ka,papatunayan ko sayong gandang lalaki ka," pinag-sasabi ni Mama?

"Ewan ko sayo,Ma. Akyat na ako,goodnight," hinalikan ko na sya sa pisngi at umakyat na pataas.

"Sana ginawa mo din to kay Kc no?" Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

***

Whahaha! Isang kalokohan na naman! Readers please? Para mas ganahan ako.

Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon