Claire's PoV
Sana naman pumasok na si Drake. Haaaay. Nakakamiss din pala yung nerd na yun no? Feeling ko nga di makukumpleto ang araw ko kapag wala yun eh. Ewan ko ba! Basta namimiss ko na sya.
Dingdong.dingdong.
Sana sya na yan...
Dingdong...
"Oo na! Nandyan na!" Sabi ko. Ang kulit naman nun! Urgent ba?
Binuksan ko ang gate. Walang Drake John Padilla at tanging lalaking nakatalikod lang sa gilid ang nakita ko.
"Kuya,sino pong hanap nyo?" Tanong ko.
"Hinahanap?!" Humarap ang lalaki.
"DRAKE?! WHAAAH DRAKE! MISS NA KITA! ANG GWAPO MO LALO! *tsup*" niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa pis...ngi. SHIT! Anong ginawa ko?!
"S-sorry,kalimutan mo nalang. T-tara na," nahihiya kong sabi.
"O-ok lang. Sige tara na," pinagbuksan nya ako ng pinto. Nagdrive na sya papuntang school.
***
"Teka,si Drake ba yun?"
"Shit! Sya nga! Ang gwapo nya!"
"Nakakapanibago tong nerd na to ah!"
"Whaaah ang gwapo na nya!"
"Haaay sa wakas,nagkasense of fashion din."
Pagkapasok pa lang namin,iba't ibang komento na ang narinig namin. Malaki kasi ang ipinagbago ni Drake mula noong huli ko syang makita.
Presentable at lalaking lalaki ang porma nya ngayon. I mean,hindi na sya baduy manuot. Bagay sa kanya ang simpleng blue checkered longsleeve polo,black jeans,rubbershoes at black men's shoulder bag. Talaga namang maninibago ang lahay sa kanya.
"Gwapo mo,dre. Ano bang nakain mo?" Tanong ko sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.
"Mama," napatigil ako."Kinain mo nanay mo– aray! Ano ba?!"
"Dahil kay Mama kaya ako nagkaganito. Hindi kinain ok? Ang hirap katayin nun!" Tawa lang kami ng tawa ni Drake. Naimagine ko tuloy yung scene kapag nagkakatayan silang mag-ina.
"Tama na nga kakatawa,Claire. Pfft. Naluluha ka na dyan oh," pigil nya sa akin sabay punas ng luha ko.
Kumalma na ako,"Thanks ah."
"Huh? Para saan?" Naguguluhang tanong nya.
"Kasi kahit nagbago ka na ng ayos hindi pa din nagbago ang pakikitungo mo sa akin," bigla naman nya akong inakbayan.
"Bal..." whaaah! Tae naman eh! Di pa ako nakakamove on dyan! "Kahit anong mangyari,ako pa din to! Ako pa din ang nerdy fake boyfriend mo. Kaibigan mo pa din ako. Drama nito oh," sabay gulo nya sa buhok ko.
"Awww,natouch ako,Drake. Haha ang handsome mo talaga!" Sabi ko na Kris Aquino ang tono ng pananalita ko.
"Haha,baliw ka," hinawakan nya ako sa kamay,"Tara na,baka ma-late pa tayo. Di porket ganito na ako eh wala na akong pakialam sa pag-aaral," napangiti ako sa paghawak nya ng– este sa pagiging responsable nya. Kayo talaga!
***
3rd Person's PoV
Patapos na ang klase nila ngunit di pa yata matatapos ang tinginan ng dalawa. Titingin si Drake kay Claire tapos iiwas kapag lumingat ito. Sisimple ng tingin si Claire tapos mamumula nalang.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...