Oplan Gandang Lalaki

38 2 0
                                    

3rd Person's PoV



Walang sumundo kay Claire kaya  mag-isa syang pumasok. Feeling nya nag-iisa sya. Bored na bored sya buong klase. Wala kasi ang nerd na palaging tanong ng tanong sa kanya. Walang nerd na nag-eexplain ng pagkahaba haba para sa kanya.



"Oy,ang tahimik mo? Miss mo na agad?" Sita ni Lizelle.



"Malamang,nasanay na ako eh," walang pagpapanggap,nasabi nya iyon ng wala sa sarili at kusang lumabas balang sa bibig.



"Yiiiiee! Kinikilig ako!" Pang-aasar pa ni Nick.



"Oh pag-ibig nga naman..." pagdadrama ni Lizelle.



"Corny,Liz. Pero Claire,sarap ng may lovelife no? Sabi sayo eh!"



"Awww ang tahimik ni Bestfriend. Miss na si nerd. Bakit ba absent yun?" Nagkibit balikat lang si Claire.



Buong oras ng klase hanggang sa pag-uwi,tahimik at matamlay si Claire.



"Bal...nasaan ka?" Tanong nya sa hangin at nakatulog na kahit hapon pa lang.



***



Samantala,sa bahay nila Dj ay nagtatalo ang mag-ina.



"Sasama o sasama?" Tanong ni Karla.



"Anong pagpipilian dun? Ma,may pasok pa ako! Kayo nalang ni Magui! Ni Carmella! Kawawa naman si Claire at di ko masusundo," nangangati na talaga ang mga paa ni Drake para sunduin si Claire at makapasok na din.




"May role playing si Magui,may activity si Carmella. Ikaw! Di mo maiwanan yang school mo! Anak! Walang nanakaw dun! Tinext ko na si Jerich at Euderick na bantayan ang reyna mo kaya ok na. Tara na!" Hinihila ni Karla si Drake pasakay sa kotse. Dahil malakas ang nanay,sumuko na si Drake.



"Saan ba kasi pupunta?" Asar na tanong ni Drake.



"Sa kumare ko," napatampal ng noo si Drake.



"Ma! Wala namang kakwenta kwenta yan eh! Sana ikaw nalang mag-isa diba?" Asar na asar na sabi ni Drake.



"Ikaw ang kailangan dun."



Nanahimik nalang si Drake buong biyahe. Lumilipad ang isip sa school.



'Kumain na kaya yun?'



'Naka pasok pa kaya?'



'Hinintay nya ba ako? Sana di sya galit '


'Ano na kayang ginagawa nya ngayon?'



"Hoy Dj! Baba na," nagising lang sya nang hampasin sya ng Mama nya.



"Beauty Salon? Ma! Anong trip mo?"



"Di ba pwedeng pumasok muna?"



Pumasok nga sila.



"Nasaan si Roda?"yun yung kumare nya. Yung may ari ng salon.



"Nasa office po nya,Maam," sabi ng isang crew.



Agad nilang tinungo ang office ni Roda.



"Bruha," bati ng nanay ni Dj.



"Napadalaw ka?" Sabay tayo ni Roda at nakipagbesohan kay Karla.



Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon