Claire's PoV
Beep. Beeeeeeeeep!
Beeeeeeeeeeep! Beeeeeeeeeep!
"SAGLEEEEEEET! Ang kukulit naman eh! Di makaintide! Saglit sab-"
Beeeeeeeep!
"PUTAKTE PAPUNTA NA NGA!" ayyy ayan na naman si Nicks. Haha binubwisit nung bf nya. Naglilinis kasi kami ng bahay dito sa amin. Bakit? Mamaya na dahil nasa labas na ang mga boys.
"Grabe ka Bessy ah! Kalma. Nako tatanda ka nyan agad," sabi ni Lizelle. Naglalakad kami palabas ng bahay. Haha hindi namin maintindihan kung naka-pout ba o ewan si Nicks eh.
"Kalma? Pinagtitripan nila tayo, kalma?" Badtrip nga talaga. May red tide siguro.
Binuksan ko na ang malaking gate dahil madaling madali yung tatlo sa iisang sasakyan.
"Tagal nyo!" Aba eh sila kaya ang maglinis sa loob? Kasalanan nila yun eh!
"KAYO NA ANG LATE KAYO PA AARTE? SAPAK!" gigil na sigaw nung dalawa.
"Chillax mga babes, sorry na," ngiting ngiting sabi ni Rick. Tsk. Di sincere.
Nang maipark ang sasakyan ay sinalubong na namin sila. Si Drake hinalikan ako sa pisngi. Wag nyo akong tanungin kung kinikilig ako dahil alam nyo ang sagot, oo. *blush* haaay tama na kalandian Claire.
Bumaba na si Rick at nakatanggap ng suntok sa dibdib kay Liz.
"Ouch cutiepie ha! Sadista ka na!" Sabay pisil sa cheeks ni Liz at kinulong sa mahigpit na yakap kaya walang nagawa si Liz kundi yumakap na din.
"I miss- aray ko!" At si Jerich na nakotongan na Nicks ng malutong.
"Busina ng busina. EMERGENCY?! HA?! EMERGENCY?!" ok confirm may red tide yan. Init ng ulo eh.
"Sorry. *pout* di naman ako yun eh, si Euderick Paulate- este si Rick yun!" Nacute-an ako sa pout ni Jerich kaso mas nacute-an ako nung pinagtulungan sya ni Rick at Nicks batukan.
"Bro sumosobra ka na ah! Binuking mo na ako tapos inasar mo pa! Pasalamat ka at yang girlfriend mo bestfriend ng girlfriend ko," another batok ulit.
"Haha tama na nga yan. Tara na sa loob." Aya ko sa kanila at naglakad na ako kaakbay si Dj.
"Come on bamonus! Everybody let's go. I know that you can do it. I know that we can do it! What are we going? Maglilinis! What are we going? Maglilinis! Gooooooo wonderpets! Yeeeey!" Holo? May sanib yata yung mga boys? Pfft. Dora sabay Wonder Pets? Anong nasinghot nila? Nabatukan ko tuloy si Drake.
"Trip nyo? Pfft. Pwede na kayong nursery teacher." Natatawang sabi at hinapit nya ako sa tabi nya.
"Hahahahaha. Ewan ko sa dalawang yan! Nasama lang ako dyan kaya pinagbigyan ko na," natawa ako nang may maalala ako.
"Argh! Ang papangit nyo!" Bakit? Nga ba sila naiinis? Kasi nacorny-han si Lizelle sa theme song ng Wonder Pets, ewan kung bakit. Si Nicks naman nabibwisit sa palabas ng Dora The Explorer, hindi ko din alam kung bakit ang init ng dugo nya sa inosenteng si Dora. Ako naman takot kay Barbie, feeling ko kasi anytime gagalaw yun eh.
BINABASA MO ANG
Lie And Pretend
Teen FictionSometimes, life is just unfair. Magbibigay ng pagsubok na kailangan, may mga madadamay. Magbibigay ng pagsubok na kailangang may sumugal... Kailangan mong sumugal. Magsisinungaling ka ng katotohanan. Lolokohin mo ang sarili mo sa kasinungalingan. Ma...