♥Valentines With You♥

36 2 0
                                    

A/N Imagine-in nyo nalang yung description sa sarili nila haha.

***
Claire's PoV

Ang bilis ng panahon, February na pala. Nakakatuwa ang school namin kasi kahit tambak-tambak ang mga gawain namin nagagawa pa namin gawin ang Valentines Day Program. Pero unfortunately, para sa Third and Forth Years lang to.

Nasa loob ako ng kwarto ko kasama yung mga bestfriends ko syempre tapos si Mama. Simpleng baige gown lang ang suot ko. May black sequence sya sa right side ng waist ko na nakapormang pagka-tribal. Eh basta hirap i-describe. Spaggetti strap nga lang kaya medyo uncomfortable ako. Nagsuot akong necklace na may pendant na sunflower na may diamonds para terno sa gown ko. Tapos simpleng messy crown updo lang kaya pwede na. At dahil may pagkatanga ako minsan,mababa lang ang takong ko na kulay black.

Si Lizelle naka roya blue turtle neck gown. Skinny Long sleeves din ito tapos pinartneran nya ng blue din na sandals. Trip nito? Tapos nag-high ponytail pa. Taray ateng ha?

Si Nickadengdeng hahaha. Isang to din eh. Ayun naka super hapit na red gown. Yeah feel na feel nya ang Valentines. Naka-half up half down french braid lang sya tapos curly yung dulo. Tapos naka mataas na takong. At ang gaga, red lipstick din! Anong drugs ba ang nalaklak nila? Ako tong pinalasimple eh.

"Dine, anong meron? Birthday mo? Red na red eh!" Pang-aasar ko. Ang loka naflip lang ng ng buhok.

"Masama?" Ok suko na ako. Ang taray eh.

"Oy mga anak, yung mga date nyo nasa baba na oh. Anak... hmmm... si "Asawa" nandito na!" Putspa Mamang! Shet namumula na naman ako!

"Ma! Pasaway ka na din eh no?" Nagsmirk lang si Mama at sinaraduhan kami ng pinto.

"Yiiiee! Eshewe dew! Hihihih Eshewe dew!" Arrgh kasi naman si Mama eh!

"Papupulahin ko yang pisngi mo Nicks pag di ka tumigil!" Pagbabanta ko. Pasaway eh.

"Aysowszx! Hahaha peace pero mas mapula talaga yung iyo hahahaha!" Tinakpan ko nalang ang pisngi ko at bumaba.

"WOW ANAK! Meant to be nga naman! Baige to Baige! Ang cute nyo! LIZELLE! KUNIN MO YUNG ANAK NG ANAK KO! DALIIIII! Anak paselfie," oh my gulay! Jusko po. Anong nangyari sa nanay ko?

"Mama naman eh! Nung nakaraan pa kayo no? Ang kuleeeet!" Kakamutin ko sana yung ulo ko kaso inakbayan agad ako ni Drake buti nalang dahil naka-ayos na pala ako.

"Anak, smile! Say cheese! Closer Drake-"

"Tita eto na po," sabay abot ng teddybear kay Mama.

"Ayan, happy family na! Say cheese!" Face palm Claire. Bakit ang daming nasiraan ng bait ngayon? Wala na akong magawa kundi ngumiti sa makisabay sa trip ni Mama.

"Oy kayo lang? Sama ako!" Shemay. Another face palm Claire! Pati tatay mo aadik-adik na din.

***

"Mukhang nahawaan na ni Mama yang Mama at Papa mo ah," kanina pa talaga nang-aasar tong si Drake eh, kanina pa.

"Pabayaan mo yung mga yun, naka-drugs yun," sabi ko. Never ko kasi makita sila na ganun kasira-ulo.

"Hahaha ang hard mo ah," inirapan ko nalang sya.

"Ipark mo na yan at bumaba na tayo," sabi ko at nagtanggal na ng seatbelt.

"Ms. Bernardo! Mr. Padilla! You look perfect!" Sino pa ba? Edi si Kuya Rainier.

"Kuya talaga, di naman no. Una na po kami," sabi ko matapos bumeso. Umalis din kami at hinintay sa table yung dalawang pares ng itlog.

Lie And PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon