Habang inaaalala ko ang apat na sulok ng kwarto kung saan tayo nagkasundo,
Mainit, masalimuot..
Ang hirap huminga, hinahabol ko pa.
Mga kamay mong kung saan-saan napupunta,
Sa aki'y nagbibigay ligaya.
Labas masok sa aking isipan, at pati narin sa sulok ng aking katawan.
Ang katas at sakit, akin paring nararamdaman,
Kung paano ikaw at ako ay naghalikan.
Idiniin mo, isinigaw ko.
Ang sakit, at kung paano ito napunit.
Halong emosyon at sensasyon, ang sa akin ay naituon.
Masaya kaba sa ating ginawa? Napunan ko bang buo ang iyong isipan? Na sa akin ay nagdulot lamang ng kasuklaman.
Ating kalibugan nagbunga ng walang hanggan,
"Ilaglag mo, ilaglag mo. Hindi ko matatanggap iyan."
Paulit-ulit mong sigaw sa mga luhang dumadagsa.
Hindi ka ba naaawa?
Anak mo, anak ko
Ipagpapalit mo ba sa sasabihin ng ibang tao?
Na kesyo ganyan, ganito
Huhusgahan nila tayo.
Iyan ba ang mas mahalaga?
Kesa sa batang galing sayo sinta?
Hindi kaba nakokonsensya?
Para mo naring pinatay ang sarili mong bituka.
Sige ilaglag mo, ilaglag mo.
Tutal wala ka namang awa sa anak mo.
Itapon nyo, ibaon nyo!
Sa ilalim ng lupa, hindi ba kayo nahihiya?
Sa itaas, nakikita..
Kasalanang pareho ninyong nagawa.
Mga wala kayong hiya,
Sarili ninyong anak..
Di na kayo naawa.

BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
ПоэзияThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...