Heto nanaman ako,
Naghihintay at baka sakaling mapansin mo.
Siguro nagsasawa kana sa pagmumukha ko,
Araw-araw nakabantay sa kilos mo.Pasensya kana,
Napapraning lang talaga ako.
Natatakot ako na baka isang araw may magustuhan kana at hindi ako.Andito nanaman ako,
Sa harap ng bahay nyo naghihintay baka sakaling magbago pa ang isip mo.Siguro naiinis kana,
Sorry ha? Mahal lang talaga kita.
Ano bang mali?
Ano ba ang dapat kong itama?
Talaga bang ang nararamdaman mo sakin ay hanggang dyan lang?
Hindi na ba pwedeng itulak pa yan?
Ihulog. Dito sa patibong kong nagsimula pa noong una tayong nagkakilala.Oo na, alam ko naman na eh matagal na.
Na talagang may harang sa pagitan nating dalawa.Sorry ha? Sadyang baliw lang talaga 'tong isip ko't umaasa pa.
Alam ko naman, alam ko.
Pero bakit ba ayaw tumigil nitong puso ko?Hindi naman pwedeng habang buhay ganito,
Patuloy na umaasa na mamahalin mo.Hindi naman talaga pwede 'to,
Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko.Siguro minsan pinagtatawanan mo'ko, kasi habol ako ng habol para na'kong aso.
Siguro awang-awa kana pag nakikita mo ako, kasi pakiramdam ko lasug-lasog na 'tong puso ko.
Marami namang iba, ang sabi eh deserve ko raw na pansinin naman sila.
Pero bakit hanggang ngayon bumabalik parin ako sa isang taong lagi akong dinededma?
Talagang ang tanga. Putangina ang tanga!
![](https://img.wattpad.com/cover/68190647-288-k591976.jpg)
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PuisiThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...