Ako si Ping

209 6 0
                                        

Ako si Ping.

Ang hilig ko'y kulayan ang mga papel at dingding na nakapalibot sa bahay namin.

Iba't-ibang kulay ang tinitimpla ko, kinakalat sa kung saan mang sulok dito.

Asul, pula, dilaw o kung ano pa..
Pinipilit kong maging masaya.

Pinipilit ko ang sarili ko na kaya ko pa, na lalaban pa.. na meron pang pag-asa.

Kinukulayan at ginuguhitan ang kung ano mang makita, kasi sa buhay ko wala kang ganun na makikita.

Ang pananaw ko'y madilim, wala kang makikitang liwanag sa akin.
Kaya kung ayaw mong mapalapit sa akin, hindi kita pipigilang ako'y limutin.

Kasi kung mananatili ka, baka mahawaan pa kita.

Ayokong magaya ka.. sa katulad kong wala ng pag-asa.

Wala nang ibang maisip kundi ang iba, ibang bagay na hindi kaaya-aya.

Kaya nga pinipilit kong kulayan ang mundo, mundo na gusto kong ipakita sainyo.

At itago na lamang ang totoo, na minsan ay pinapatay ako.

Kaya heto nga't pintura ang nakakalat, hindi pansulat at aklat.

Matang pilit kong binubuklat, sa reyalidad na masaklap.

Di mo'ko masisisi, ganito talaga ako lagi.

Kaya nga ako si Ping, at ito sana ang gusto kong gawin.

— 10.18.16 📝

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon