sorry,
umatras ako
ikaw kasi,
pakiramdam ko hindi naman ako
feeling ko iba ang gusto mo
sorry,
umatras ako
ayoko lang masaktan
di ako marunong lumaban
ramdam ko kasing ayaw mo naman
kaya titigil na ako sa kahibangan
sorry,
umatras ako
ayoko lang ng gulo,
hindi pa ata handa ang puso ko
gusto ko namang sabihin
pero di ko lang kayang gawin
kasi siguro natatakot ako
kasi baka tamang hindi mo'ko gusto
sorry,
hindi ko talaga kaya
ayaw ko lang umasa
kaya itatago ko ito sa ilalim ng bulsa
magtatagal hanggang sa mawala na
ang kwento nating dalawa,
hanggang tula na lamang ba?
sorry,
hindi ako duwag
ikaw 'tong bulag
binibigay ko na lahat,
pero di parin sapat
sorry,
hindi mo ba talaga makuha ang mensahe?
gusto kita pero napakamanhid mo,
tae!
sorry,
sinulat ko 'to
at baka mabasa mo mamayang gabi
mahal kita gago,
mahirap bang umintindi?
sorry,
hindi ko masabi
ang hirap naman kasi
baka magulat ka't
umalis
sa aking tabi
sorry,
titigil na ako
manong,
dyan lang po sa tabi
hindi ko alam na ang
manhid pala ng aking katabi
ilang beses ko ng sinabi
di nya parin makuha ang mensahe
manong, para
di ko na ata kaya
iba naman kasi ang pinagkakaabalahan nya
hindi naman ako,
sorry,
sorry,
kung nagugustuhan na kita
sorry,
umatras ako
baka kasi mali pala
lahat ng hinala ko
suko na ako
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoetryThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...
