madalas
nagkukulong ako
mag-isa
sa isang madilim
na kwartokwarto ko
kung saan
pilit kong
pinapakinggan
ang ingay ng mga multopero wala akong marinig
pakiramdam ko
sila
lang
ang
nakakarinig sakinat hindi ko alam
kung bakit
akowala akong
maramdamanna madalas
naiiyak nalang akokasi nakakatakot
palang
maging manhid
na kahit nandyan sila
bumubulong
inuutusan ako
ng kung anu-anoat sinasabi nilang
papatayin nila akowala akong maramdaman
iyong tipong
nakakaginhawa pa
ako ng maluwagnakakakain pa ako
ng madaminakakatawa pa ako
ng malakaskahit ang buhay
ko'y may nakareserba
nang kwarto
sa taasay mali
sa ilalim pala dapat
makasalanan nga pala
ang utak
ng taong mapag-isaayaw makisama
di makatingin sa mga mata
na tila ba may
ginawang masamapuro reklamo
wala namang naiambag
sa mundopunung-puno na
sa lahat ng bagay
wala namang naitulong
sa bahayat sa lahat ng ibinigay
hindi pa sakanya sapat
ang isang tinapaygusto nya pa ng isa pang
buhaybagong simula
kalimutan
at pabayaan
ang nasimulanpasensya na
pagod na akong lumaban
hindi naman kasi ako
pinahalagahanwala namang may pakealam
kaya kahit siguro tapusin
ko ang lahat ngayonwala namang makikialam
walang pipigil
walang makikinig
walang sasagip
walang tatahan
walang pupunas
ng luha ko
ititigil ko na 'tokaya ngayon
andito ako sa kwarto
nanghihintay ng
katok nyoisang katok lang,
pakiusapbigyan nyo ako ng lakas
atsimbolo
para hindi ko matuloy
ang pakitil
sa aking buhaybye.
![](https://img.wattpad.com/cover/68190647-288-k591976.jpg)
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoetryThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...