Babalik

206 3 0
                                    

Sa ilang beses mo akong sinaktan at pinaniwala na kaya mo pang magbago ay alam ko na.

Alam ko na na kahit paulit-ulit akong aasa, ay sayo parin ako sasaya.

Ikaw parin ang maghahatid ng sigla sa puso kong namatay na.

Ikaw parin ang gigising sa buhay kong matagal ng tulog, at nananaginip na balang araw magkakaroon din ng 'Tayong Dalawa.

Ikaw parin pala.

Na kahit ilang beses kang nagtaksil ay tanggap parin kita.

At oo, ganito ako katanga. Sayo. Ikaw. Walang iba kundi ikaw, at kahit pa ilang babae ang landiin mo'y mananatili parin akong tanga at magpapanggap na ayos lang ang lahat basta ba sa huli sa akin ka babagsak.

At kahit pinaniwala mo ako sa tadhana, at nabigo sa huli ay wala na akong pake.

Kasi alam mo ngayon ko lang naramdaman ang pag-ibig na ganito na para bang sasabog na ako kahit nag-uusap lang naman tayo.

Na kahit marami kang kasama, kayakap, at katabi sa pag tulog mo'y mananatili parin akong tanga.

Maghihintay.

Babalik kapa naman diba?

Kasi alam mo kahit isang taon na ang lumipas, at ang buong akala ko'y tapos na at wala na akong nararamdaman pa'y mali pala.

Bumalik sila. Babalik at babalik pala talaga.

Isang 'Hi mo lang, bumalik ako sa pagiging tanga.

Ako'y kinikilig kahit alam kong loko lang, tarantado kapa naman.

Mali bang ngumiti sa mga salita mong kasing tamis ng kendi? Kulang nalang ay langgamin ako sa tuwa.

Gustong-gusto ko ang pagkatao mo, komportable ako pag ikaw ang kausap ko. Pero mali ang lahat ng ito.

Marami ang nobya mo, dalawa sakanila nabuntis mo. Napakawalanghiya mo, pero natutuwa parin ako.

Bakit ba hindi ako marunong magalit sayo? Bakit ba kahit sobrang sakit ng ginawa mo'y tinanggap parin kita ulit sa buhay ko?

Gusto ko lang naman sana makipagkaibigan, pero ang ginagawa mo'y landian.

Kelan kaba magbabago? Kasi ako, bumabalik ang lahat ng naramdaman ko. Tulad ng dati, tumatakbo ang puso ko. Nababaliw sa mga kilos mo.

Bakit ba ang lapit mo dito sa damdamin ko, pero ang layo ng kinatatayuan mo.

Bakit ba magkabila ang ating mundo?

Babalik. Babalik nanaman 'to panigurado.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon