❤
nananaginip ako ng gising
kahit wala ka naman sa aking piling,
sa isip ko'y nariyan ka
at kinikilig ako ng sobra
minsan gusto kong magtago
kasi ayokong makita ang iyong mukha
hindi dahil sa pangit ka,
kasi hindi naman talaga
kundi dahil sa tuwing ngumingiti ka,
puso ko'y tumatambol,
nahuhulog na
ngiti mo palang,
pintig ng puso ko'y nagwawala na
ano pa kaya pag tumawa kana, diba?
para akong aatakihin, nakakabaliw na!
singkit ang gilid ng iyong mata,
at talaga nga namang matangkad ka
dahil pagkatabi kita,
ako'y hanggang tenga
pag nakaupo ka
hindi ka ganun kagaling sa musika,
pero pag kinakausap mo ako pakiramdam ko kumakanta ka,
malumanay ang boses mo
kaya nama'y pati pagkatao ko nahuhumaling na sa'yo
kumikislap ang mata mo,
para kang bituin sa langit,
hindi na ako ngumingiti ng pilit
kasi tuwing nariyan ka totoong saya ang aking nadarama,
pakiramdam ko nga'y ngiti ko'y abot langit, mapupunit na!
grabe!
hindi ko inakalang ganito ka katindi,
nakakailang kape na ako pero di ka parin nawawala sa isip ko gabi-gabi
di ko na nga alam kung gaano naba kalalim ang blackeye ko sa mata,
pakiramdam ko mukha na akong panda
grabe talaga!
ang saya
ang sayang magmahal,
magmahal lang,
wala ng iba
hindi ako umaasa,
hinding-hindi ako aasa
di ko iniisip na titignan mo rin ako sa mata
wala akong hinihiling na kapalit,
pero sana'y hayaan mo'kong mahalin ka kahit saglit
kasi alam mo,
masaya ako
masaya ako't ngumingiti ako ngayon ng mag-isa
at
wala akong pakealam kung mukha na akong tanga
basta ang alam ko lang,
GUSTO KITA
❤
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PuisiThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...
