BAKIT AKO?!

258 3 2
                                    

Hindi na ako masaya na mga nakikita ko.
Hindi nako masaya sa tugtog na naririnig ko.
Di nako masaya sa buhay na mayroon ako.

Sabagay, kelan ba ako naging masaya?

Pag may pera?
May gala?
May bagong damit? Sapatos? At kung anu-ano pa.

Hindi.
Hindi nako masaya na andito ako.

Gusto ko ng umuwi, nasaan na ba ang tahanan ko? Inumay na ba? Wala nakong mauwian, pakiramdam ko mag-isa nalang ako sa daan.

Asan na ba ang pamilya ko?!
Nariyan, pero parang wala lang.

Wala naman silang pakialam.

Gusto ko ng mamatay.
Tapusin ang sarili kong buhay, para matapos na!

Nakakapagod.
Nakakapagod mag-isa, kahit alam kong mayroon akong kasama.

Tanong ko lang po, bakit ako?

Bakit ako pa?

Mabait naman po akong bata diba? Di naman po ako rebelde, at mas lalong nag-aaral naman po ako ng maayos kahit papaano.

Pero bakit ako?

Sa dami ng tao sa mundo, bakit ako ang napili mong pahirapan ng ganito?

Anong ginawa ko? Bakit di na ako ang dating ako, di nako makangiti ng totoo!

Ang dami namang nagbago, hindi ito ang plano ko. Teka, may plano ba ako?
Sa una palang naman talaga wala nakong ideya sa gagawin ko.

Pero bakit ako?
Nahihirapan na po ako. Gusto kong bumitaw, iwanan ang mundo mo pero di ko magawa kasi tanong ako ng tanong BAKIT AKO?!

Hindi ko mahanap ang sagot kaya magtatanong ulit ako, BAKIT AKO?!

Di ka naman sumasagot nababaliw na ako, BAKIT NGA BA AKO?!

Kelangan ko ang sagot mo pakiusap sagutin mo, BAKIT AKO?

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon