Ano nga ba ang kalayaan?

181 4 0
                                    

gusto kong itipa lahat ng nasa isip ko pero hindi ko magawa
nawawala ang mga salita
nauubos na ang mga tala
wala na akong makita
dahil ang langit ay binalot na ng dilim
at ang mundo ay puno na ng sakim
wala ng natira sa akin
kundi ang mga habilin
mga bawal gawin
pero gusto kong subukin
bakit umiikot ang mundo?
kung ni isa sa atin ay hindi nagbabago
ganun parin
mga ganid sa kalokohan
bulag sa katotohanan
mga tao nga naman
kahit anong taas ng isa'y sa huli pareho rin naman ang pupuntahan
mga hirap maglakad
di marunong itakbo ang nararapat
pagod nang maniwala
nawalan na ng tiwala
sawa ng maghintay
pero ala una y medya'y gising parin sa bahay
ayaw ng magmahal
kaya ang ginagawa'y puro ilegal
nasaan na ang wastong pag-iisip?
nilimot nyo ba saglit?
ako'y walang karapatan
pero ano nga ba ang kalayaan?
gusto ko rin sana malaman
gusto ko rin makamtan
kaya kahit tila mahirap
ako parin ngayo'y nagsisikap
sino ba ang may alam?
baka pwedeng sabihin mo naman
mga bagay na mahirap iwasan
umiwas na sa kasamaan
lisanin na ang nararamdaman
palayain ang nasa isipan
lahat tayo'y may nilalaman
nawala lang ng ininsulto ng karamihan
pero alam nating wala silang alam
kaya sige lang,
isulat mo lang ang iyong dinaramdam — 💙

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon