Walang Kwenta

423 8 0
                                        

Ang bigat.

Ang bigat-bigat pala talaga ng isang sako ng bigas.

Ang bigat, lalo pa't nagmahal ka nanaman. Paano ko pa mabibili 'yan? Kung sobra sobra na't di ko na alam kung kaya pa ba kitang bayaran.

Ang hirap intindihin, bakit kailangang bilhin? Kung masasaktan ka lang rin naman matapos mong ibigay lahat ng natira sa'yo.

Bakit ganito ang tula ko gayong hindi naman sila konektado't napakagulo.

Bakit nasasaktan nanaman ako? Bakit pakiramdam ko bitbit ko nanaman ang mundo? Bakit ba napaka makasarili ko?

May mga taong mas mabigat pa ang problema nila kesa sa problema ko. Kaya hindi na dapat pa iniintindi 'tong sakit na nararamdaman ko.

Pero dapat bang balewalain 'tong sakit sa puso ko? Nasasaktan rin naman ako. At kahit papaano ay problema rin naman ito na maaaring mapunta sa punto na baka ikamatay ko.

Bakit ba ako ganito?
Pakiramdam ko'y wala akong kwenta dito sa lupang kinatatayuan ko.

Bakit pakiramdam ko isa akong malaking pabigat sa mga kaibigan ko? Na pag ba sinabi ko sakanila na malungkot ako, babaliwalain lang nila ako.

Kasi ako lang naman 'to. Walang kwentang kaibigan ninyo.

Bakit ba nasusulat ko 'to? San ba 'to galing at napunta ito sa utak ko?

Napakawalang kwenta ko talagang tao. Isa akong pasakit sa mga taong kilala ko.

Kaya siguro naiinis sila dahil napaka-malungkutin ko. Na tila ba kahit ang maliliit na bagay ay dinaramdam ko, kahit na wala naman ngang kwenta 'to.

Sana katulad ako ninyo, na laging masaya kahit may problema.

Sana kaya ko ring balewalain ang lahat na para bang wala akong dinadalang mabigat.

Sana kaya kong ngumiti, kahit na sa kaloob-looban ko'y namamatay na'ko.

Sana kaya kong magpanggap, na okay lang ang lahat.

Sana alam ko kung anong mangyayari sakin pagkatapos nito.

Kasi ang bigat-bigat na, di ko na alam kung kaya ko pa ba.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon