Wala

286 4 0
                                    

Pero kung wala nga, bakit ganun ka nalang makatingin nung nakaraan sakin?


Kung wala nga, bakit ang saya ng mga mata mo nung nagkatitigan tayo?


Kung wala talaga, bakit pakiramdam ko meron?


Lalo pa't sobrang tamis ng mga ngiting isinukli mo sakin nung tayo'y nagtawanan habang sabay na inaawit ang kantang hindi natin alam.


Kung talagang wala, bakit sabay tayong napapatingin sa isa't-isa tuwing namamali ang nota ng kanta?


Bakit kumikinang yung mata mo? At ganun na lamang ang ngiti mo nung tinitigan moko.


Kung wala nga talaga, edi wala. Pagod narin naman akong umasa sa wala.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon