Wag

325 10 0
                                    


Wag kang ganyan.
Wag mo'kong titigan ng ganyan dahil alam naman nating dalawa na ako ay kaibigan mo lang.
    
   
    
Tumigil ka.
Wag kang paasa't malambing sakin kung di rin lang naman ako sasaluhin.
  
    
  
Umalis kana.
Umalis kana't baka mas lalo lang kitang di makalimutan.
  
  
  
Ayoko na.
Ayoko nang titigan pa ang iyong ngiti't tawa na dahilan kaya puso ko'y nagwawala.
   
  
  
Tama na.
Pagod na ako sa kakaasa sa mga motibong wala naman palang malisya.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon