Tanaw kita,
Sa pintuan kung saan prenteng nakaupo ang isang ikaw na matagal ko nang nililigaw.
Pilit nililigaw ang mga mata mo baka sakaling mapatingin ka naman sa gawi ko.Kita ko ang ngiti mo,
Na may halong pighati dahil siguro wala nanaman ang iyong minimithi.
At sana ako nalang sya.
Sana ako nalang ang nasa isip mo.
Sana ako nalang ang babaeng gusto mo.Araw-araw mo syang hinahabol,
Araw-araw rin akong napapagod sa kakatakbo, kakahanap ng sagot sa tanong na 'bakit ang tanga ko?
Iba naman ang gusto mo, pero umaasa parin ako.Oo aaminin ko maganda sya, maputi, makinis at oo bagay kayo.
Bagay na bagay at nasasaktan ako.Alam kaya nyang may isang ako na palaging nakaabang sa susunod na gagawin nya?
At pati narin sa lahat ng sinisiwalat nyang mga mabulaklak na salita sa social media.Alam kaya nyang maraming nagkakagusto sa kanya at sa bawat piyesang nagagawa nya? Gayong ang mga mata nya ay nakapirmi lamang sa isang babaeng di sya nakikita.
Siguro ay hindi nya alam.
Kasi bulag na sya, ang mata nya ay wala ng ibang nakikita kundi sya.
Sya na wala naman ngang pakealam sakanya, sya na walang alam sa sakit na pinagdaraanan nya.At nalulungkot ako.
Bakit ba kasi hindi nalang maging ako?
Kasi kung ako lang sana ang pipiliin nya, wala na akong iba pang mamahalin pa.
Pagsisilbihan ko sya sa abot ng aking makakaya, at oo..Ganito ako katanga.
***
A/N: This may not be that painful or a very heartfelt poem.. but believe me, I'm crying while writing this thing. And yes, I'm that stupid. Haha 😐
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoetryThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...