Kaibigan

539 7 1
                                        

Hindi ko alam kung bakit sila ganyan, minsan lang naman tayo nagbabatian.
Lahat ng bagay sakanila'y minamalisyahan, na dahilan kung bakit lagi tayong may alitan.
Kapag ba kausap kita, syota na kita?
Kapag ba kasama kita, tayo na?
Kapag ba malapit tayo sa isa't-isa, nagmamahalan na?
Hindi naman, hindi ba?
Wala ka namang alam, sa tunay kong nararamdaman.
Alam kong ayaw mo sakin, ayaw mo sa sinasabi ng iba.
Nais mong ipahayag sakanila na ikaw at ako ay wala naman talaga.
Na nagkamali lang sila, inakalang tayo kahit hindi naman talaga.
Pamilya mo, pamilya ko.
Iniisip nila na tayo.
Kahit na ang totoo ay magkaibigan lang naman talaga tayo.
Asar dito, asar doon.
Alam kong ayaw mo ng ganun.
Kaya heto ako, ginagawa ang lahat para sayo.
Pilit pinapaintindi sakanila na magkaibigan lang talaga tayo, na hindi naman tayo, na malapit lang talaga tayo sa isa't-isa dahil magkaibigan tayo.
Naiinis ako, naaasar at nabibwisit sa mga tao.
Na kesyo ganyan, ganito.
Mukha raw tayong magnobyo.
Bakit ba hindi nila maintindihan ang sinasabi ko?
Kung sana ay alam lang nilang nasasaktan ako.
Ang sakit isiping hindi nga tayo, na magkaibigan lang tayo.
Ang hirap ipahayag sayo ang nararamdaman ko dahil sobrang manhid mo.
Alam ko naman, na hindi ako iyong tipo mo.
Alam kong ang tulad ko ay hanggang kaibigan lang ng isang tulad mo.
Ilang beses mong sinabi sakin na ipaliwanag ko,
Na ipaintindi ko,
Na ikaw at ako, walang tayo.
Nasasaktan ako,
Pakiramdam ko ako'y inaayawan mo.
Ganun lang ba talaga ako?
Isang babaeng hanggang kaibigan lang para sa'yo?
Kahit anong pilit kong limot, hindi ko makalimutan.
Itong aking nararamdaman,
Kasi ayokong masaktan, sa mga katagang..
KAIBIGAN ka lang naman.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon