Para kang bato na paulit-ulit ko ng pinupukpok pero di parin natututo.Para kang bato, ang ulo mo'y sing tigas nito nang sinabihan kang umayos at wag magulo.
Para kang bato,
Wala kang ibang iniintindi kundi ang sarili mo.Isipin mo naman ang mararamdaman ng mga tao sa paligid mo.
Para kang bato,
Na kahit sinisipa't tinatapon na kung saan wala ka paring maramdaman.Para kang bato,
Na ang sarap itapon sa ilog lalo pa't lagi mo nalang binabalewala ang mga taong pilit kang binubuo kahit pa alam naman nang imposible, pero para ka talagang bato!Para kang bato,
Isa kang malaking salot sa mundo.Pabaya ka sa kapwa mo, hinayaan mo lang na gawin nila ang kahit ano.
Para kang bato,
Wala kang maramdaman kahit harap-harapan ka ng sinasaktan.Pero hindi.
Hindi ka bato.
Hindi ka bato,
Kundi isang duwag na di marunong mambato ng bato pabalik sa mga taong nambabato sayo.Wag kang parang bato.
Na pipirmi lang sa isang sulok, walang ginagawa kahit pa ilang beses ka na nilang ipinagkakanulo sa isang bagay na di mo naman gusto pero ginagawa mo kasi nga isang kang bato na di marunong ipaglaban ang sarili mo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PuisiThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...