Panaginip Ka Lang

317 6 0
                                    

Nananahimik ako sa kwarto isang araw nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Isang mensahe ang natanggap ko mula sa'yo, anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito sa lugar ko? Hindi ba't malayo ka? Hindi ba't may iba ka ng kasama?

Nakiusap ka, sabi mo.. "Magkita naman tayong dalawa."
Pumayag ako. Hindi dahil mahal pa kita, kundi dahil gustong kong malaman kung bakit mo ba 'yon nagawa.

Hindi malinaw ang pangyayari, basta ang alam ko nalang nagkita tayo at ilang araw makalipas ay narito kana sa bahay ko. Nagpaalam ka pa sa mga magulang ko, na kung pwede ay liligawan mo ako.

Nagulat ako, hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. Hindi ko inaasahang magkakasama pala tayo sa bahay ko, katabi ka sa upuan at nag-uusap na para bang walang nangyari noong nakaraan.

Masaya tayo, kasama ang pamilya ko. Tinawag mo pa nga akong 'nobya mo.

Hindi ba't nasa malayo ka? Bakit ngayon kasama na kita?

Tumunog ang maingay naming pintuan, hudyat na may lumabas o pumasok sa bahay.

Nagising ako.

Nagising akong masaya, pero nalungkot nang mapagtanto ko na.

Hindi pala totoo, pero bakit ganito? Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Bakit ko napanaginipan ang taong naibaon ko na sa limot?

Hindi naman sya ang nasa isip ko kagabi bago ako matulog, pero bakit sya ang naglakbay sa panaginip ko?

Hindi kaya'y iniisip nya ako? Kaya sya ang napanaginipan ko?

Pero sino ba ang niloloko ko? May iba na syang kasama doon sa malayo, at ako?

Isa lamang akong kalaro, kalaro nya sa isang laro na sa simula palang ay hindi ko na dapat nilaro.

Napakuyom ako sa kamao ko, naalala ko nanaman ang mga pangako mo.

"Hintayin mo ako, maaayos ko 'to." Siguro nga naayos mo, naayos mo na ang sainyo kaya noong masaya na kayo ay iniwan mo na lamang ako!

Pinaglaruan ako ng mismong kalaro ko, napaikot mo ako sa laro mo.

Ang bilis ko kasing maniwala, kaya sa huli alam kong ako rin ang may sala.

Pero bakit binigay mo sa akin ang kalawakan noon? Bakit mo inaksaya ang oras mo sakin gayong wala lang pala 'yon.

Halos tatlong buwan kitang inintindi, pinakinggan ko ang mga kwento mo pero sa huli ako parin ang nasaktan mo.

Bakit mo sinayang ang ilang araw at oras kakalandi sa akin gayong iiwan mo lang naman pala ako?

Panaginip ka lang!

Isa ka lang sa mga nakilala ko sa 'di inaasahang pagkakataon.

Panaginip ka lang!

Isa ka lang sa mga dumaan sandali sa buhay ko.

Panaginip ka lang!

Isa ka lang namang masamang panaginip na walang ibang idinulot sa akin kundi sakit.

Panaginip ka lang, kaya pakiusap..

Maglakbay kana,
Maglakbay kana palayo sa akin, 'wag mo na akong gambalahin pa kasi panaginip lang kita.

At kahit kailan hinding-hindi ka magiging akin dahil kanya kana. Simula pa lang noon alam ko na, na ang puso mo ay hinding-hindi bibitaw sa pagmamahal na meron ka sakanya.

Kaya nga pinalaya kita, iwanan mo na akong mag-isa. Doon ka na sa lugar kung saan ka talaga masaya.

Lumayo kana.
Umalis kana sa buhay ko.
Pakiusap..

Patahanin mo na ang mga luha ko.

 

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon