sarado

122 2 0
                                    


Maaaring ako na nga ang pinakatamad na manunulat,
O baka may mas tamad pa,
Hindi ko alam

Maraming tumatakbo sa isip ko,
Kung anu-anong salita ang nabubuo ko ngunit sa tuwing pipindutin ko na ang mga letra, wala ng maipiga ang utak ko.

Na para bang nawawala sila,
Na para bang may pumipigil sa aking sumulat,
Na para bang demonyong nakangisi habang ako ay nababaliw na sa tabi

Kinakain ako ng takot, sa tingin ko
At ayaw na akong iluwal pabalik dahil baka siguro nagustuhan nya ang pagkawasak ng mundo ko, ng isip kong puno ng kulog at kidlat,
Mga matang kung ulan pa'y ibinuhos na lahat,
Pero hindi pa sapat kaya't patuloy na umaagos
Walang katapusang luha, na kahit ipikit ko ang mata'y patuloy parin ito na parang baha

Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula,

Nakakapagod nang magtiwala

Ayoko ng lunukin ang bawat salita,
Na lumalabas sa bawat bigkas ko ng ating wika

Ayoko na.

Maraming salita, mga tula, ang labas pasok sa isip ko

Ngunit,

Ayoko na.

Ayoko nang maghirap pa.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon