Alam ko minsan nagtatanong ka kung kelan ba magiging okay ang lahat, kung magiging maayos pa nga ba talaga ang lahat.Ayokong sabihin na magiging maayos ang lahat, kasi alam kong hindi ganun kadali ang pinagdadaanan mo. Gusto kong malaman mo na kung ano man yang pinagdadaanan mo, okay lang yan. Okay lang yan, hindi mo dapat ikahiya o itago 'yan, that's normal. Tao ka, may mararamdaman at mararamdaman kang kakaiba na minsan hindi maiintindihan ng iba. Hindi madaling takasan 'yan, pero okay lang 'yan. Hindi mo kailangang magmadali, hindi mo kailangang pilitin na ipagkasya ang lahat ng nararamdaman mong lungkot, galit, at kung ano pang mabigat sa iisang bagahe lang. Kasi kung ililigpit mo 'yan lahat ng sapilitan kahit hindi naman kasya, pwede kang sumabog. Baka mapuno ka. Baka mawalan ka.
Hindi agad maaayos ang lahat ng 'yan, pero okay lang 'yan.
Alam ko minsan tuwing gigising ka pakiramdam mo wala kang maramdaman, at minsan naman mararamdaman mong tila ang bigat sa pakiramdam, pero okay lang 'yan. At least diba? Nagising ka. Nagising ka pa kahit minsan gusto mo ng mawala, gusto mo ng tapusin ang lahat, gusto mo nalang matulog habambuhay. Pero eto ka, gising ka. Pasalamat ka't gising ka.
Hindi araw-araw masaya, alam kong alam mo 'yan. Pero sana alam mo rin na hindi ka mag-isa, na minsan ang ibang tao tulad rin sila sa'yo. May mga araw na malulungkot ka, na wala kang maramdamang kahit ano, at minsan naman parang ang lakas-lakas mo na para bang kaya mong gawin ang kahit ano, pero madalas parang ayaw mo ng bumangon, ayaw mo ng mabuhay, ayaw mo ng gumalaw, ayaw mo ng magising pa.
Tandaan mo, bilog ang mundo. Iba't-iba ang mararamdaman ng bawat tao sa bawat ikot nito, at iyon ang halaga ng buhay, nabubuhay ka para may maramdaman ka.
That's the purpose of your existence, to feel something and that symbolizes that you're alive and you're capable of doing something, or anything even if you're just lying down, or sleeping all day, it's okay! As long as you're breathing and you can still see the bad and good, or the ugly and beautiful sight of this world that you're in.
Hayaan mong magpatuloy ang daloy ng buhay mo, kahit mahirap, kahit minsan pakiramdam mo katapusan mo na. Okay lang 'yan, hindi ka mag-isa. Andito ako, tulad mo, lumalaban.
Alam ko minsan pakiramdam mo wala kang karamay, walang aagapay, walang tutulong, walang kasama, walang kasangga, walang kahit na ano, okay lang 'yan. Ganyan talaga 'yan, hindi basta basta ang sakit na 'yan, pero alam kong malalampasan mo 'yan. Kaya mo 'yan! Kahit hirap na hirap kana, alam kong malalampasan mo 'yan at tatawanan mo nalang paglipas ng ilang taon.
Okay lang 'yan, maniwala ka. Hindi mo kailangang idaanan ang lahat ng sakit sa pagbitiw, at pagwakas ng pintig ng puso mo. Marami paring nagmamahal sa'yo, hindi mo lang alam, at minsan alam ko hindi mo 'yan maramdaman pero wag mong kakalimutan na kahit wala man sila, andyan ang Diyos sa tabi mo. Alam ko minsan nawawalan ka na ng pag-asa at pagtitiwala pero sana lumaban kapa. Sana kahit hindi mo talaga kaya'y lumaban ka parin. At huminga ka ng malalim, pakawalan mo muna lahat ng parte sa'yo na masakit. Hayaan mong magunaw at magkawatak-watak ang lahat sa'yo pero wag ka munang susuko. Maghintay ka. Hintayin mong bumalik ang lahat, kahit pa gaano katagal, kahit pa hindi mo na alam ang gagawin mo, basta't hintayin mo lang na kumalma ang bagyong dumaan sa buhay mo.
Ganito talaga ang buhay natin, kaya't matuto kang lumugar ng maayos at ibalanse ang lahat. Kahit pa minsan napakahirap nang bumangon ulit, pero subukan mo parin. Wala namang masama. Basta't subukan mo lang, malay mo, baka darating ang araw at tatahan na ang alon na lumunod sa'yo, para mabigyan ka ng pag-asa at malinawan ka sa lahat ng ito.
Kaibigan, wag kang susuko. Kahit pa minsan pakiramdam mo huli na ang lahat, laban lang. Wag mong hayaang lamunin ka ng kasamaan at kademonyuhan ng kung ano mang bumubulong sa tenga mo na dahilan kaya't humantong ka sa lagay na ito.
Malayo pa ang maaabot mo, at alam kong makakarating ka at darating sa buhay mo ang nararapat para sa'yo. Lahat ng bagay na nangyayari ay may rason, wag kang sumuko at hintayin mo lang ang darating na solusyon. Ang Panginoon ay nariyan gumagawa ng askyon, sinusubukan ka para mas maging matatag ka at para maging mas matibay ang loob mo at pananalig mo.
Okay lang 'yan.
Yakapin mo lahat ng sakit, galit, lungkot at kung ano mang nararamdaman.
Hindi ka nag-iisa, marami kaming nakakaintindi sa'yo. Hayaan mong yakapin ka ng lungkot dahil doon mo mahahanap ang tunay na kaligayahan.
Okay lang 'yan, kaya mong labanan 'yan. Alam ko.
;
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoésieThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...