minsan ko nang inilarawan ang kwento ng dalawang batang puslit,masaya lang sila sa batis,
naglalaro sa tubig habang ang mga labi'y bungisngis,at sa bawat patak ng tubig mula sa langit,
hahagikhik ang mga batang puslit hanggang sa sila ay umibig,dadanak ang masigarbong palakpak,
kasal nila'y mapupuno ng mga bulaklak,
sa dalawang pusong umaawit,
nakita ko sa dulo ang katotohanang mapait,ang kwento pala nila ay hindi para ilarawan ko,
ito ay para matauhan ako sa imahinasyong hindi naman totoo,at sa bawat araw na napupuna ko,
saan nga ba mapupunta ang taong mahal ko?kung hindi sya nakatakda para mahalin ako,
pwede bang patayin nyo nalang rin ang puso ko?paano nga ba't nagmahal
nang walang kalaban-laban?
ang batang puslit ngayo'y mag-isa nalang na sumusugal,
sa pag-iibigan, ni saglit hindi nya naramdamansa ngalan ng kanyang pag-ibig na hindi nasuklian,
ninais nyang magkulong nalang at magpatiwakal,at kung bakit raw hinayaan ng saksi
na makasama nang matagal ang minahal nyang lalake?kung hindi rin lang naman pala sila..
ang magkakatuluyan sa huli :|

BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoetryThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...