Mahal

316 8 1
                                        

Mahal.
Pasensya kana.
Hindi ko sinasadya,
Nabugbog pa tuloy kita.


Nagkayayaan kasi ang barkada.
Nakainom ako,
Marami-rami, sorry na.


Mahal,
Patawarin moko kung nasugatan ka,
Sa sampal na di ko dapat ginawa.
Ikaw kasi,
Pinagalitan moko pag-uwi.


Mahal,
Tulog na ba ang mga bata?
Kumain na ba sila?
Pasensya na,
Wala akong kwentang ama.


Puro lang ako paglalasing,
At lakwatsa.
Sugal dito, inom doon.
At sa pag uwi ko pa'y pabaon ko sayo'y sabon.


Sorry,
Hindi ko sinasadya.
Dumugo tuloy ang iyong mukha.


Mahal,
Patawad.
Hindi naging maayos ang pagsasama nating dalawa.
Pasensya kana,
Hindi perpekto ang iyong napangasawa.
Madalas akong magkamali,
Pero nariyan ka parin nakatali.


Sa ilang beses na ika'y aking nasaktan,
Nabugbog,
At
Nasugatan.


Ikaw parin ay nariyan,
Nananatili sa ating tahanan.
Nag-aalaga sa mga bata,
Ilaw ng tahanan.


Mahal,
Salamat sa pag-aaruga.
At sa lahat ng iyong ginawa.


Hindi ko makakalimutan ang luto mo,
Ang yakap at halik na iniwan mo.
Pati narin ang sinabi mong mahal mo'ko,
Lalo ang huling habilin mong mag-ingat ako.


Mahal,
Sobrang dami ng pinagsisihan ko.
Sana nakasama pa kita ng matagal at tayo'y buo.


Kung alam ko lang sana na magkakaganito,
Edi sana di na kita iniwang mag-isa para magtrabaho.


Mahal,
Namimiss ko na ang yakap mo.
Pati narin ang paglaban mo sa suntok ko.


Miss ko na ang hikbi at tawa mo, walang makakatalo sa sayang alaala na iniwan mo.


Mahal, andito lang ako.
Magparamdam ka naman sa panaginip ko.


Hindi kasi mawala-wala sa isip ko ang kinang ng iyong mata,
Lalo pa't kahawig ito ng mga tala.


Pati narin ang kurba ng iyong labi,
Na minsang nagisi ng ika'y aking nasagi.


Mga ngiting mong walang kahit anong papalit,
Sa buhay ko'y nagdadala ngayon ng ngiting pilit.


Mamimiss kita mahal,
Hinding-hindi kita makakalimutan.


Pagkat ikaw lamang ang nag-iisa, wag mo sana akong kalimutan. Mahal na mahal kita.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon