T O R E T E

117 2 0
                                    


Teka sandali,
ang hirap palang magsabi ng nararamdaman pag fresh pa
At ang hirap kasi sobrang sakit pa
Mahirap kasi di ko na alam kung saan pupunta,
Ang hirap kasi naliligaw ako
Na kahit anong gamit ko sa Google Map ko di ko parin mahanap yung daan papunta sayo

Sorry ha?
Hindi ko alam 'e
Alam kong halos apat na taon na mula noong sinimulan natin 'to
Bilang magkaibigan
Hanggang sa pinangarap kong maging 'magka-ibigan tayo
Pasensya kana
Masyado bang mataas ang hangad ko?
Grabe, parang ang bilis
Hindi ko alam kung bakit ako sa nahulog sa iyo ng labis

Pero sandali lang,
Akala ko ikaw din?
Akala ko pareho tayo
Akala ko ba ikaw ang nauna sa larong ito?
Ba't ngayon parang ako lang pala ang mag-isang natalo?
Di ba tayo pareho?
Sya ba talaga ang mahal mo?
Eh ako? Anong silbi ko?

Wala bang kwenta yung pagpupuyat ko gabi-gabi makausap ka lang?
Anong silbi ng eyebags ko?
Grabe alam mo minsan di na nga ako nakakapag-aral kasi busy ako lagi pag ikaw ang ka-chat ko
Pero bakit ngayon ganito?
Hindi ko gets, hindi kita gets
Pati ba naman ikaw frinendzoned ako? Haha

Ayoko na, Pare.
Kaya lang yung isip ko kung saan-saan na lumilipad,
Di ko na alam kung saan napadpad
Naririnig ko yung kanta
Pero di ko alam kung ikatutuwa ko pa ba, paborito ko 'to eh
Pero parang ito na ang huli

Bat di mo sinabi?
Bat di mo nilinaw?
Ang sweet mo palang nung isang araw
At ang kasunod grabe bat bigla syang sumulpot?
Sino sya?
Ako? Pano ako?

Akala ko nung una may bukas ang ganito, mabuti pang umiwas nalang ako

Pero salamat, kasi kahit papano nagkatagpo tayo.

At oo,
Torete ako sayo.
Pero wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sayo ang nararamdaman ko,

Ngayon ko lang kasi napagtanto
At kung naririnig mo 'to

Ito na ang huli,
At kung sakali mang magkita tayong muli..

Malaya kana.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon